24 O Makapangyarihang Diyos, Napakaluwalhati Mo

Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

Ikaw ang muling dumating na Tagapagligtas.

Nasimulan Mo na ang paghatol sa huling panahon,

naipahayag Mo na ang mga katotohanan

para iligtas ang sangkatauhan.

Ang mga salita Mo’y nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad,

nililinis tiwaling disposisyon ng tao.

Ang mga salita Mo ay ang lahat ng katotohanan,

ibinubunyag ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos.

Hinahatulan Mo ang lumang daigdig sa pamamagitan ng mga salita,

hinahatulan lahat ng tao at bansa.

Lahat ay tinutupad ng Iyong mga salita,

lubusan Mong nadaig si Satanas.

Papuri sa Iyo, Makapangyarihang Diyos,

Ikaw ay tunay na maluwalhati.

Nakakamangha ang Iyong mga gawa,

lahat ng bansa at mga tao’y sumasayaw sa galak.


Ikaw ay nagpakita na at gumawa sa Tsina,

gamit ang malaking pulang dragon bilang tagapagsilbi.

Sinusubukan lahat ni Satanas upang labanan ang Iyong gawa,

ito’y nabigo sa kahihiyan saanman.

Nakagawa Ka ng grupo ng mga mananagumpay

na sumasaksi sa Iyo sa kabila ng kahirapan.

Matapat na ginagampanan ng Iyong mga tao ang kanilang tungkulin,

lahat ibinibigay para Ikaw ay mahalin at sundin.

Nilupig na ng Iyong gawa si Satanas,

Ikaw ay lubos na niluluwalhati sa mundo.

Ang kaharian Mo’y nagpakita sa mundo,

lahat ng bansa at mga tao’y sumasamba sa Iyo.

Papuri sa Iyo, Makapangyarihang Diyos,

Ikaw ay tunay na maluwalhati.

Mga gawa Mo’y nakamamangha,

lahat ng bansa’t mga tao’y sumasayaw sa galak.


Nagtagumpay na ang dakila Mong gawain,

at Ikaw ay magbabalik sa Sion.

Ang mga taong pinili Mo’y nagkamit na ng kaligtasan,

tunay na bumabaling sa Iyo, nabibilang sa Iyo.

Ang gawa Mo’y nagsimulang lumaganap sa buong mundo,

sasapit na ang malaking kalamidad.

Ang hindi pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos

ay pagkahulog sa kalamidad.

Buburahin ng kalamidad ang masamang sangkatauhan,

tanging bayan Mo ang mananatili.

Lahat ng mga bansa at tao’y nagbabalik sa harap ng Iyong trono,

lahat ay nagpupuri sa Iyo nang kanilang buong puso.

Papuri sa Iyo, Makapangyarihang Diyos,

Ikaw ay tunay na maluwalhati.

Lahat ng bagay sumasayaw sa galak,

pinupuri ang Makapangyarihang Diyos

sa pagkakamit ng kaluwalhatian.

Sinundan: 23 Gumagawa ng mga Himala ang mga Salita ng Diyos

Sumunod: 25 Nagpupuri’t Umaawit Tayo sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito