902 Ang Katayuan at Pagkakakilanlan ng Diyos Mismo
I
Pagkakakilanlan ng Diyos
ay ang Lumikha, Pinuno.
Siya’y natatangi sa lahat ng bagay,
lahat ng mayro’n.
Wala sa likha ng Diyos, tao o espirituwal,
ang makapalit sa pagkakakilanlan
o katayuan Niya.
‘Pagka’t may iisang umiiral lang
sa lahat ng bagay
na may pagkakakilanlan,
awtoridad at kapangyarihan,
at kakayahang mamuno sa lahat ng bagay.
Ang nag-iisa: Ating natatanging Diyos Mismo.
Diyos ay namumuno’t naghahari
sa lahat ng bagay.
Lumikha Siya, nangangasiwa’t
nagtutustos sa lahat.
Siya’y namumuno’t naghahari.
Ito’ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.
II
Nabubuhay at gumagalaw Siya
sa lahat ng mayroon.
Siya’y makakaangat sa mataas
at maging angat sa lahat.
Mapagkukumbaba Niya ang Sarili na maging tao,
maging isa sa yaong may laman at dugo.
Nakahaharap Siya ng tao,
nakikibahagi sa saya’t lungkot nila.
Inuutusan Niya ang lahat,
nagpapasya sa kapalaran nila
at kung saang direksyon sila patungo.
Gumagabay Siya sa kapalaran
at direksyon ng tao.
Diyos ay namumuno’t naghahari
sa lahat ng bagay.
Lumikha Siya, nangangasiwa’t
nagtutustos sa lahat.
Siya’y namumuno’t naghahari.
Ito’ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.
III
Mga buhay na nilalang ay dapat sambahin,
sundin, kilalanin ang Diyos.
Ang kailangang pagpipilian lang ng tao’y
ang maniwala, sumunod at magpitagan sa Diyos,
tanggapin ang pamumuno’t plano Niya
para sa kapalaran nila.
Diyos ay namumuno’t naghahari
sa lahat ng bagay.
Lumikha Siya, nangangasiwa’t
nagtutustos sa lahat.
Siya’y namumuno’t naghahari.
Ito’ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X