904 Ang Awtoridad ng Diyos ay Simbolo ng Kanyang Pagkakakilanlan
Ⅰ
Ang Diyos ay buhay,
ang pinagmulan ng lahat ng buhay na nilalang.
Pinasusunod ng awtoridad ng Diyos
sa Kanyang mga salita ang lahat ng bagay,
maging nilalang ayon sa Kanyang mga salita,
mabubuhay at dadami sa pamamagitan ng utos ng Diyos.
Namumuno ang Diyos sa lahat ng buhay na nilalang,
at walang magiging paglihis magpakailanman.
Ang kapangyarihan ng Diyos
ay makakalikha ng anumang anyong
bagay na may buhay at sigla.
At ito ay ipinapasya ng buhay ng Diyos.
Ⅱ
Itong kapangyarihan, walang tao
ni bagay ang humahawak.
Ang Manlilikha ang tanging mayroon nito.
Simbolo ito ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan,
diwa, katayuan, at ito’y tinatawag na awtoridad.
Namumuno ang Diyos sa lahat ng buhay na nilalang,
at walang magiging paglihis magpakailanman.
Ang kapangyarihan ng Diyos
ay makakalikha ng anumang anyong
bagay na may buhay at sigla.
At ito ay ipinapasya ng buhay ng Diyos.
Ⅲ
Tandaan, kung hiwalay sa Kanya,
walang tao o bagay ang may kinalaman sa salitang
“awtoridad” o sa kakanyahan nito.
Namumuno ang Diyos sa lahat ng buhay na nilalang,
at walang magiging paglihis magpakailanman.
Ang kapangyarihan ng Diyos
ay makakalikha ng anumang anyong
bagay na may buhay at sigla.
At ito ay ipinapasya ng buhay ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I