682 Ginagawang Perpekto ng Diyos ang Tao sa Maraming Paraan
I
Ang Banal na Espiritu’y
lumalakad ng landas sa bawat tao,
nagbibigay sa lahat
ng pagkakataong maging perpekto.
Sa mga negatibong kalagayan mo’y
ipinapakita sariling katiwalian.
Sa pagwawaksi ng mga kalagayan na ito’y
mahahanap mo’ng landas sa pagsasagawa.
Ito ang lahat ng mga paraan
kung saan ika’y pineperpekto.
Sa patuloy na paggabay
ng mga positibong bagay sa iyo,
aktibo mong gagawin iyong bahagi,
makakamit pag-unawa’t pananaw.
Sa mabuting kalagayan,
ika’y lalo nang handang
magdasal sa Diyos
at handang basahin ang Kanyang salita,
at iugnay mga sermon na iyong naririnig
sa sariling kalagayan.
Sa pagkakataon na ito
loob mo’y binibigyang-liwanag ng Diyos
at napapatanto sa’yo mga positibong bagay.
Ganito ka nagiging perpekto,
ginawang perpekto sa positibong aspeto.
II
Sa mga negatibong kalagayan,
ika’y mahina’t pasibo.
Hinanap mo na sa puso mo
at ‘di mahanap ang Diyos sa loob,
nguni’t Diyos ay nililiwanagan ka’t
tinutulungang makahanap landas sa pagsasagawa.
Ito’y pagtamo ng pagkaperpekto
mula sa negatibong kalagayan.
Kayang gawing perpekto ng Diyos
ang tao sa alinmang aspeto.
Ito’y depende kung kaya mong maranasan,
at kung hinahangad mong maging
perpekto sa pamamagitan ng Diyos.
Kung ginagawa mo, negatibo’y tinutulungan kang
maunawaan iyong tunay na kalagayan,
nalalaman kung ano’ng kulang sa iyo,
nguni’t ‘di ka mapagdurusa ng kawalan.
Tinutulungan kang makita
na tao’y walang anuman.
Kung ‘di ka nakakaranas ng anumang pagsubok,
palagi mong mararamdaman
na mas magaling ka kaysa sa iba.
Sa lahat nito’y makikita mo’ng lahat sa nakaraan
ay ginawa ng Diyos, at iningatan ng Diyos.
III
Sa mga pagsubok ika’y nawawalan
ng pananampalataya’t pag-ibig.
Ika’y kulang sa panalangin
at ‘di makaawit ng mga himno.
At pagkatapos ay ‘di man lang namamalayan,
nakikilala mo ang iyong sarili sa gitna nito.
Maraming paraan ang Diyos
na gawing perpekto ang sangkatauhan.
Gumagamit Siya ng maraming uri ng kapaligiran
upang harapin ang tiwaling disposisyon ng tao,
gumagamit ng iba’t ibang bagay
upang tao’y ilantad.
Sa isang bagay,
pinakikitunguhan ng Diyos ang tao,
sa iba’y pinipili Niyang ilantad s’ya,
sa iba’y ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay
ang “mga sikreto” sa loob ng puso
na ‘di na niya namamalayan,
ipinapakita kanyang kalikasan
sa paghahayag ng lahat ng kalagayan niya.
Sa maraming paraan
pineperpekto ng Diyos ang tao,
sa pakikitungo sa kanya,
sa pamamagitan ng paghahayag,
sa pagpipino’t pagkakastigo sa kanya,
upang malaman ng tao
kung gaano kapraktikal ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto