683 Hindi Makikilala ng Isang Tao ang Diyos sa Pagtatamasa ng Kanyang Biyaya
Tao’y kayang magdusa para sa Diyos
at nakarating nang gan’to kalayo
dahil sa pag-ibig Niya,
dahil sa pagliligtas at paghatol Niya,
sa gawain ng pagkastigo sa tao.
I
Kung kayo’y walang paghatol ng Diyos,
walang pagkastigo’t pagsubok mula sa Kanya,
kung hindi pa kayo pinagdusa ng Diyos,
‘di niyo Siya magagawang mahalin nang tunay.
Habang lumalaki’ng gawain Niya sa tao,
lumalaki’ng pagdurusa ng tao,
mas ‘pinapakitang makabuluhan
ang gawain Niya,
tao’y mas kayang mahalin
nang tunay ang Diyos.
Pag-ibig ng tao sa Diyos ay binuo sa
pagpipino at paghatol ng Diyos.
Kung tinatamasa lang ang biyaya ng Diyos,
na may payapang buhay
o makamundong biyaya,
ang pananalig mo’y hindi naging matagumpay,
at hindi mo nakamit ang Diyos.
II
Kita na ng tao na sa awa,
biyaya’t pag-ibig lang ng Diyos,
‘di kailanman tunay na makikilala ang sarili,
‘di kailanman mauunawaan
ang diwa ng sangkatauhan.
Sa pagpipino’t paghahatol lang ng Diyos,
sa proseso ng pagpipino lang,
maaaring malaman ng tao’ng pagkukulang niya’t
ang katotohanang siya’y walang-wala.
Pag-ibig ng tao sa Diyos ay binuo sa
pagpipino at paghatol ng Diyos.
Kung tinatamasa lang ang biyaya ng Diyos,
na may payapang buhay
o makamundong biyaya,
ang pananalig mo’y hindi naging matagumpay,
at hindi mo nakamit ang Diyos.
Nagawa na Niya’ng yugto
ng gawain ng biyaya,
nagbigay na ng biyaya sa tao.
Ngunit tao’y ‘di magagawang perpekto
ng biyaya, pag-ibig, at awa lang.
III
Tao’y natitikman ang kaunting
pag-ibig ng Diyos sa buhay.
Nakikita niya’ng awa’t pag-ibig ng Diyos.
Ngunit, matapos maranasan ito nang saglit,
kitang ‘to’y ‘di makakaperpekto sa tao.
Biyaya’y ‘di mahahayag
at malulutas ang katiwalian.
‘Di mapeperpekto pag-ibig at pananalig ng tao.
Biyaya Niya’y sa isang yugto lang;
tao’y ‘di makakaasa sa biyaya Niya
upang makilala Siya.
Pag-ibig ng tao sa Diyos ay binuo sa
pagpipino at paghatol ng Diyos.
Kung tinatamasa lang ang biyaya ng Diyos,
na may payapang buhay
o makamundong biyaya,
ang pananalig mo’y hindi naging matagumpay,
at hindi mo nakamit ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos