889 Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya’y Lubos Niyang Ililigtas
I
Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao’y ililigtas Niya’t kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao’y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao’y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S’yang may pananagutan
sa mga kapalara’t inaasam n’ya.
Ito y’ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa
pag-aalis ng inaasam ng tao,
sa katapusan, tao’y madadala pa rin sa,
wastong hantungang handa ng Diyos
para sa kanya.
II
Dahil Diyos ang gumagawa sa tao,
tao ay may hantungan at kapalaran niya ay tiyak,
kapalaran n’ya’y tiyak.
Ang ninanasa’t hinahabol ng tao’y
mga hinahangad nila pag nadadala ng
mga maluhong pagnanasà ng laman,
sa halip na ang hantungan,
hantungang laan sa tao.
Ang naihanda ng Diyos sa tao,
sa kabilang banda, ay mga pagpapala’t
pangakong laan sa tao ‘pag nadalisay s’ya,
inihanda ng Diyos sa kanya
matapos mundo’y likhain.
Mga pagpapala’t pangakong yao’y hindi
guni-guni at pagkaintindi lang ng tao,
o pagpili niya’t laman.
III
Hantungang ito’y hindi inihanda
para sa partikular na tao,
sa partikular na tao,
kundi dakong pahingahan ng buong sangkatauhan.
Ito ang pinakawastong hantungan,
wastong hantungan ng sangkatauhan.
Ito ang pinakawastong hantungan,
hantungan ng sangkatauhan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan