681 Sinusubukan at Pinipino ng Diyos ang Tao Upang Maperpekto Siya
Ⅰ
Kung naniniwala ka sa Diyos, dapat sundin mo S’ya,
katotohana’y isagawa’t tuparing lahat tungkulin mo.
Dapat mong unawain mga bagay na pagdadaanan mo.
Kung ikaw ay dadaan sa paghatol at pagdisiplina,
nguni’t ‘di masabi kung pinakikitunguhan ka ng Diyos
o dinidisiplina, kung gayon, hindi maaari ito.
‘Di sapat na dumaan sa pagdadalisay sa isang sitwasyon,
dapat kang magpatuloy, magpatuloy.
Wala, walang katapusan
ang pagmamahal sa Diyos, whoa, whoa.
Ito, ito ay aral na walang hangganan.
Mas kahanga-hanga ang gawa ng Diyos sa tao,
mas mahalaga at makabuluhan ito.
Kapag mas di-maunawaan ito para sa iyo,
mas di-kaayon sa mga pagkaunawa mo,
mas malulupig ka ng gawain ng Diyos,
matatamo ka at magagawa kang perpekto.
Ⅱ
‘Pag dinadalisay ng Diyos ang tao, nagdurusa s’ya,
lalong minamahal ang Diyos, mas nagpapasakop sa Diyos.
Nguni’t kapag kaunti ang pagdadalisay,
mababaw ang pagmamahal, mahina ang kapangyarihan.
Nguni’t ‘pag higit ang pagdadalisay, sakit at hirap,
mamahalin n’ya nang mas malalim ang Diyos,
magiging mas tunay ang pananampalataya n’ya,
mas malalim n’yang makikilala ang Diyos.
Wala, walang katapusan
ang pagmamahal sa Diyos, whoa, whoa.
Ito, ito ay aral na walang hangganan.
Mas kahanga-hanga ang gawa ng Diyos sa tao,
mas mahalaga at makabuluhan ito.
Kapag mas di-maunawaan ito para sa iyo,
mas di-kaayon sa mga pagkaunawa mo,
mas malulupig ka ng gawain ng Diyos,
matatamo ka at magagawa kang perpekto.
Ⅲ
Iyong mga matinding dinadalisay at dinidisiplina,
malalim ang pagmamahal, at pagkakilala sa Diyos.
Iyong ‘di pa napakitunguhan kahit minsan
ay taglay lamang ang mababaw na kaalaman.
Matapos mapakitunguhan at madisiplina,
nasasabi ng mga tao talagang kilala nila ang Diyos.
Mas kahanga-hanga ang gawa ng Diyos sa tao,
mas mahalaga at makabuluhan ito.
Kapag mas di-maunawaan ito para sa iyo,
mas di-kaayon sa mga pagkaunawa mo,
mas malulupig ka ng gawain ng Diyos,
matatamo ka at magagawa kang perpekto.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino