825 Ang Tanging Tagubilin ng Diyos ay ang Tumayong Saksi
1 Palagi Akong nag-aalala sa inyo: Mag-isang namumuhay, talaga kayang ang kalagayan ng mga tao ay mas mabuti o maikukumpara sa kalagayan nila ngayon? Hindi ba kayo nababahala sa kababaan ninyo? Talaga bang maaari kayong makatulad ng mga taong hinirang sa Israel—tapat sa Akin, at sa Akin lamang, sa lahat ng oras? Ang nakikita sa inyo ay hindi ang kapilyuhan ng mga batang napalayo sa kanilang mga magulang, kundi ang kabangisang lumalabas mula sa mga hayop na hindi abot ng mga latigo ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong likas na pagkatao, na siya ring kahinaan ninyong lahat; ito ay isang sakit na karaniwan sa inyong lahat. Ang payo Ko lamang sa inyo ngayon ay manindigan kayo sa inyong patotoo sa Akin. Anuman ang sitwasyon, huwag ninyong tulutang bumalik ang dati ninyong sakit. Ang pinakamahalaga ay magpatotoo—ito ang buod ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanya sa isang panaginip: sa paniniwala, at pagkatapos ay pagsunod. Ito lamang ang maituturing na pagiging malinis.
2 Sapagkat kayo ang pinakamadalas na makarinig sa Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Ibinigay Ko na sa inyo ang lahat ng mahahalagang pag-aari Ko, lubos Ko nang ipinagkaloob sa inyo ang lahat, subalit lubhang naiiba ang katayuan ninyo sa mga tao ng Israel; talagang malayung-malayo kayo. Ngunit kumpara sa kanila, mas marami kayong natanggap; samantalang desperado silang naghihintay sa Aking pagpapakita, masasaya ang mga araw ninyo sa piling Ko, nakikibahagi sa Aking kabutihan. Dahil sa pagkakaibang ito, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatan na putakan at kataluhin Ako at hingin ang inyong bahagi ng Aking mga pag-aari? Hindi ba marami na kayong natanggap? Napakarami Kong ibinibigay sa inyo, ngunit ang iginaganti ninyo sa Akin ay makabagbag-damdaming kalungkutan at pagkabalisa, di-mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Napakasama ninyo—subalit nakakaawa rin kayo, kaya wala Akong ibang magagawa kundi lunukin ang lahat ng sama ng loob Ko at iparating ang mga inaayawan Ko sa inyo nang paulit-ulit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?