824 Ang Kabatirang Dapat Taglayin ng Tao Matapos Malupig

1 Matapos malupig ng Diyos ang mga tao, ang pangunahing katangian ng pangangatwiran na dapat taglay nila ay ang matiyak na hindi sila magsasalita nang mapagmataas. Dapat silang lumuklok sa isang mababang katayuan, “gaya ng dumi sa lupa,” at magwika ng ilang bagay na totoo; ito ang pinakamahusay. Lalo na kapag nagpapatotoo para sa Diyos, kung makapagsasalita ka nang may laman mula sa puso, nang walang hungkag o may pagmamalabis na pananalita at walang mga kathang-isip na kasinungalingan, ang iyong disposisyon kung gayon ay nagbago na, at ito ang pagbabagong dapat maganap sa sandaling nasakop ka na ng Diyos. Kung hindi mo kayang taglayin kahit na ganitong dami ng katwiran, tunay kang walang anumang pagkakatulad sa isang tao. Mula ngayon, dapat ka laging kumilos nang maayos, kilalanin ang iyong katayuan at posisyon, at hindi magbalik sa iyong mga lumang pamamaraan.

2 Ang larawan ni Satanas ay pinakakitang-kita sa pagmamataas at kapalaluan ng tao. Hangga’t hindi mo binabago ang aspektong ito ng iyong sarili, hinding-hindi ka magkakaroon ng wangis ng tao, at palagi mong tataglayin ang mukha ni Satanas. Ang pagkakaroon lang ng kaalaman sa bagay na ito ay hindi magiging sapat para makamit ang isang ganap na pagbabago; kailangan mo pa ring magtiis ng maraming pagpipino. Hangga’t hindi ka napakikitunguhan at natatabasan, sa pangmatagalan, nasa panganib ka pa rin. Upang maiwasan ang pagdausdos pabalik sa iyong mga dating pamamaraan, dapat mo munang tanggapin na hindi pa nagbabago ang iyong disposisyon at na ang iyong kalikasang mapagtaksil sa Diyos ay malalim pa ring nakaugat sa iyo. Nasa matinding panganib ka pa rin na magtaksil sa Diyos, at nahaharap ka sa patuloy na posibilidad ng kapahamakan.

3 Isa pa, huwag na huwag kayong lulugar sa posisyon ng isang taong saksi sa Diyos; maaari lamang kayong magsalita tungkol sa personal na karanasan. Maaari kayong magsalita tungkol sa kung paano kayo iniligtas ng Diyos, magbahagi tungkol sa kung paano kayo nalupig ng Diyos, at magsalita tungkol sa biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo. Huwag ninyong kalimutan na kayo ang pinakatiwaling mga tao. Sa pamamagitan lamang ng Diyos kayo naiangat. Dahil kayo ang pinakatiwali at pinakamarumi, naligtas kayo ng Diyos na nagkatawang-tao, at nagawaran Niya kayo ng napakalaking biyaya. Samakatuwid, wala kayong maipagyayabang, at maaari lamang ninyong purihin at pasalamatan ang Diyos. Ang inyong kaligtasan ay lubos na dahil sa biyaya ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao

Sinundan: 823 Tanging sa Pag-alam sa mga Gawa ng Diyos Makapagpapatotoo nang Tunay ang Isang Tao sa Kanya

Sumunod: 825 Ang Tanging Tagubilin ng Diyos ay ang Tumayong Saksi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito