826 Ang Iyong Tungkulin Bilang Mananampalataya ay Magpatotoo para sa Diyos

Dapat mong malaman na ang patotoo

ng paggapi ng Diyos kay Satanas

ay nakasalalay sa katapatan

at pagkamasunurin ng tao,

pati ang patotoo sa Kanyang

ganap na paglupig sa tao.


Ang tungkulin ng pananalig mo sa Diyos

ay magpatotoo sa Kanya,

maging tapat sa Kanya lamang,

at maging masunurin hanggang sa huli.


I

Bago Niya simulan

ang susunod na hakbang ng gawain,

pa’no ka magpapatotoo sa Kanya?

Pa’no ka magiging tapat

na masunurin sa Kanya?

Tapat ka ba sa tungkulin mo, o susuko ka ba?

Magpapasakop ka ba sa mga pagsasaayos Niya,

o tatakas sa kalagitnaan upang

maiwasan ang pagkastigo Niya?

Kumakastigo ang Diyos upang

magpatotoo ka sa Kanya, tapat at masunurin.


Ang tungkulin ng pananalig mo sa Diyos

ay magpatotoo sa Kanya,

maging tapat sa Kanya lamang,

at maging masunurin hanggang sa huli.


II

Pagkastigo ngayo’y upang isagawa

ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos

at pahintulutang sumulong

nang walang hadlang ang gawain.

Kaya maging matalino,

‘wag tratuhin ang buhay mo’t halaga nito

tulad ng walang kwentang buhangin.

Malalaman mo ba ang darating na gawain Niya,

o pa’no malalaganap ang gawain Niya?


Dapat mong malaman ang kabuluhan

ng karanasan mo ng gawain ng Diyos,

at ang kahulugan ng pananalig mo sa Kanya.

Tunay na dumating na ang Diyos

upang tapusin ang panahong ito.

Ngunit dapat mong malaman

na Siya’y magsisimula ng bagong panahon,

bagong gawain, at, higit sa lahat,

palalaganapin Niya’ng ebanghelyo ng kaharian.


Dapat mong malaman na ang gawain ngayo’y

para lang magsimula ng panaho’t

maglatag ng pundasyon upang ipalaganap

ang ebanghelyo sa panahong darating

at wakasan ang panahon sa hinaharap.

Gawain ng Diyos ay ‘di kasing-simple

tulad ng iniisip mo,

ni walang halaga gaya ng ‘yong paniniwala.

Dapat ibigay ang buhay mo sa gawain Niya’t

italaga’ng sarili mo sa kaluwalhatian Niya.

Matagal na Niyang hangad

na magpatotoo ka sa Kanya,

ipalaganap ang ebanghelyo Niya.

Dapat maunawaan mo’ng nasa puso Niya.


Ang tungkulin ng pananalig mo sa Diyos

ay magpatotoo sa Kanya,

maging tapat sa Kanya lamang,

at maging masunurin hanggang sa huli.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Sinundan: 825 Ang Tanging Tagubilin ng Diyos ay ang Tumayong Saksi

Sumunod: 827 Ang mga Mananagumpay ay ang mga Taong Nagbibigay ng Umaalingawngaw na Pagsaksi para sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito