7 Nagpakita ang Banal na Kaharian
Ⅰ
Ang nagkatawang-taong Diyos ay dumating sa gitna ng mga tao,
at nagsimula ang paghatol sa bahay ng Diyos.
Iniangat tayo sa harap ng Kanyang trono upang dumalo
sa kasalang piging ng Cristo, Makapangyarihang Diyos.
Nililinis tayo ng paghatol, binabago ang ating disposisyon.
Isinisilang tayong muli at nagiging mga bagong tao.
Iginagalang ang Diyos, nagpapatirapa tayo sa harap Niya,
pinupuri ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid.
Handang magpasakop at ihandog ang aming katapatan,
Matapat naming tinutupad ang aming tungkulin.
Diyos, minamahal ka namin nang aming buong puso,
at magpakailanmang umaawit ng aming mga papuri sa Iyo.
Nagpakita ang banal na kaharian.
Nagpakita ang banal na kaharian.
Ⅱ
Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan upang hatulan ang mundo
at ganap na inihahayag ang Kanyang pagiging matuwid.
Ang mga puwersa ng kasamaan na lumalaban sa kalooban ng Diyos,
ay wawasakin ng malalaking sakuna.
Ngayon binago ng Diyos ang lahat
para sa Kanyang paggamit at pagtatamasa.
Hindi na ito isang marumi, mahalay na lupain,
kundi isang banal na kaharian magpakailanman.
Nagawa ng salita ng Diyos ang lahat,
Namumuno ang Diyos bilang Hari sa mundo.
Ganap nang nakamit ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian,
lumitaw sa lupa ang kaharian ni Cristo.
Nagpakita ang banal na kaharian.
Nagpakita ang banal na kaharian.
Ⅲ
Ang Araw ng pagiging matuwid ay nagniningning sa buong lupain,
at lahat ng bagay ay binuhay muli.
Nagagalak na nagtitipon ang mga tao ng Diyos,
umaawit at sumasayaw sa Kanyang tagumpay.
Pinupuri ng lahat ang Kanyang malalaking nagawa.
Ang buong mundo ay puno ng saya at halakhak.
Ang lahat ng humihinga ay umaawit ng papuri sa Diyos,
dahil Siya ay nagbalik sa ganap na tagumpay.
Ang buong sansinukob ay napanibago,
at ipinagdiriwang natin ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos.
Binasag ang langit ng mga tinig ng papuri,
walang tigil tayong umaawit ng mga papuri sa Diyos.
Nagpakita ang banal na kaharian.
Nagpakita ang banal na kaharian.