190 Alam Mo Ba ang Gawain ng Diyos?
I
Gawain ng Diyos sa katawang-tao’y
‘di kagila-gilalas,
ni nababalutan ng hiwaga.
Ito’y tunay at aktwal,
tulad ng isa at isa’y dalawa;
‘di ito nakatago’t walang pandaraya.
Lahat ng nakikita ng mga tao’y tunay,
pati katotohana’t kaalamang nakakamit nila.
Kapag natapos na ang gawain,
kaalaman nila sa Kanya ay mapapanibago.
At ang mga kuru-kuro ng yaong
tunay na hangad Siya’y mawawala lahat.
Ito’y ‘di lang epekto ng gawain Niya sa mga Tsino,
kundi sumasagisag sa panlulupig Niya sa mga tao,
sumasagisag sa panlulupig Niya sa mga tao.
II
Dahil sa katawang-taong ‘to,
ang gawain Niya’t lahat sa Kanya’y
ang kapaki-pakinabang sa panlulupig Niya
higit sa anuman.
Pakinabang ito sa gawain Niya
ngayon at sa hinaharap.
Katawang-taong ito’y lulupigin ang lahat ng tao
at makakamit din ang sangkatauhan.
Wala nang mas mabuting gawain para ang tao’y
makita, sundin, at maunawaan ang Diyos.
At ang mga kuru-kuro ng yaong
tunay na hangad Siya’y mawawala lahat.
Ito’y ‘di lang epekto ng gawain Niya sa mga Tsino,
kundi sumasagisag sa panlulupig Niya sa mga tao,
sumasagisag sa panlulupig Niya sa mga tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao