86 Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagmamahal sa Akin
1 Ang Makapangyarihang Diyos ang nagmamahal sa akin at dinadala ako sa harap ng Kanyang trono. Tinatamasa ko ang Kanyang mga salita at dumadalo ako sa piging ng kasal ng Cordero. Sa pagkakita sa magandang mukha ng Diyos, napupuno ako ng saya; isang kagalakan ang salubungin sa wakas ang pagbabalik ng Tagapagligtas. O! Napakakaibig-ibig ng Makapangyarihang Diyos! Nililinis ako ng Kanyang paghatol. Hindi na nalilito o naguguluhan, nauunawaan ko ang katotohanan, at ako ay napalaya. O! Napakakaibig-ibig ng Makapangyarihang Diyos! Nalupig ako ng Kanyang mga salita. Ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan; ito ang dapat kong hangarin at makamit. Ang pagsasabuhay sa realidad ng katotohanan ay nagpapalugod sa Diyos.
2 Ang Makapangyarihang Diyos ang nagmamahal sa akin; nililinis at binabago ako ng mga salita Niya. Ang katotohanan ng bawat salita ng Kanyang paghatol at paghahayag ay nangungusap sa kaibuturan ng puso ko. Tinatanggap ko ang paghatol ng Kanyang salita, at nakikita ko kung gaano kalalim akong nagawang tiwali. Tunay akong magsisisi, magiging tapat na tao, at dalisay Siyang mamahalin. O! Napakakaibig-ibig ng Makapangyarihang Diyos! Nililinis ako ng Kanyang paghatol. Nakakatagpo man ako ng mga pagpapala o sakuna, nagpapasakop ako sa mga pagsasaayos ng Diyos, at walang ibang mga pinagpipilian. O! Napakakaibig-ibig ng Makapangyarihang Diyos! Nakuha ng pag-ibig Niya ang aking puso. Ibinibigay ko ang aking puso sa Diyos nang buong katapatan, nagpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Ang pagsasabuhay sa realidad ng katotohanan ay nagpapalugod sa Diyos.
3 Ang Makapangyarihang Diyos ang nagmamahal sa akin; ginagabayan ako ng mga salita Niya. Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at naging buhay ko ang mga ito. Ginagabayan Niya ako gaano man kabako-bako ang nagiging daan, at hindi na ako muling makakaramdam ng negatibo o babalik pa. Determinado akong sumunod sa Diyos. O! Napakakaibig-ibig ng Makapangyarihang Diyos! Nililinis ako ng Kanyang paghatol. Matapat ako sa pagtupad ng aking tungkulin, na ang kalooban ng Diyos ay maaaring mapalugod. O! Mahal ko ang Diyos; gusto kong mahalin ang Diyos! Hahangarin kong mahalin Siya buong buhay ko. Ang pagsunod sa Kanyang kalooban at pagpapatotoo sa Kanyang gawain ay ang ating tungkulin sa buhay. Ang pagsasabuhay sa realidad ng katotohanan ay nagpapalugod sa Diyos.