87 Nasa mga Tao ang Pag-ibig ng Diyos
I
Dalawang libong taon na,
sa kaluwalhatia’y lumisan Ka sa Judea.
Ngayong mga huling araw,
mapagpakumbaba’t natatago,
nakarating Ka na sa Tsina.
Ipinapahayag Mo ang katotohanan,
nagpapakita at gumagawa,
hinahatulan at dinadalisay ang sangkatauhan.
Ipinapakita ng salita Mo
Iyong pagka-makapangyariha’t nalupig
at naperpekto na nito isang grupo ng mga tao.
Binayaran Mo na ang bawat halaga,
ibinigay Mo na ang lahat
para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
II
Ang paghatol at pagkastigo ng Iyong mga salita
ay nagbubunyag ng Iyong
pagkamatuwid at kabanalan.
Sa pamamagitan ng matinding pagpipino
ang lubos na tiwaling sangkatauhan
ay nadadalisay.
Kataas-taasa’t kagalang-galang,
nagpapakumbaba Ka
para gumawa bilang Anak ng tao.
Ang mga arogante ay nalulupig
at sumusuko sa harap Mo.
Ang Iyong pagkastigo at paghatol
ay ang Iyong pagmamahal
at mga pagpapala para sa tao.
III
Sa pagiging tao para gumawa,
tinitiis Mo ang maraming kahihiyan.
Nagdurusa Ka ng pagkondena
at paglapastangan ng tao,
Ikaw ay tinanggihan nang panahong ito.
Sa maraming taong paghihirap,
nakapagtiyaga Ka sa pagliligtas sa sangkatauhan,
nagsasalita’t gumagawa sa dugo,
pawis, at mga luha Mo,
hinihintay pagbabago ng tao.
Nalupig na ng pagkamatuwid at katapatan Mo
ang puso ng milyun-milyon.
IV
Puno kami ng paghanga kapag nakikita namin
kababaang-loob at pagkatago Mo.
Puno kami ng takot at pagsunod
kapag nakikita namin
pagkamatuwid at kabanalan Mo.
Hindi sapat ang mga salita ng tao
upang sumaksi sa Iyong mga gawa.
Pasasalamat at pag-ibig
nakaukit napakalalim sa puso namin.
Lahat ng aming kaunting lakas ay mapupunta
sa matapat na pagganap ng aming tungkulin.