25 Nagpupuri’t Umaawit Tayo sa Diyos
Ⅰ
Dinig natin tinig ng Diyos, sa Kanya bumabaling tayo,
sumusunod sa yapak ng Cordero.
Sa piging Niya’y dumadalo,
kinakain, iniinom mga salita Niya sa maghapon.
Nasisiyahan tayo sa pagdidilig at tustos ng Kanyang salita
at espiritu nati’y muling nabubuhay.
Nauunawaan natin ang katotohanan
at kilala natin ang praktikal na Diyos.
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.
Ⅱ
Buhay sa kaharian, walang katulad sa kasaganaan,
Diyos Mismo ang gumagabay, umaakay sa ‘tin.
Katotohana’y isinasagawa’t tungkuli’y tinutupad,
payapa’t panatag ang puso natin.
Pagwawaksi kay Satanas, nagpapalaya,
maaari na tayong mamuhay sa harap ng Diyos.
Lahat ng ito’y Kanyang pag-aangat at biyaya,
may mas mapalad pa ba kaysa sa ‘tin?
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.
Ⅲ
Sa paghatol, mga pagsubok, at pagpipino,
nalilinis ang ating disposisyong sataniko.
Batid ang matuwid na disposisyon ng Diyos,
takot tayo sa Diyos at umiiwas sa masama.
Sa pag-uusig at paghihirap, mga salita ng Diyos laging gumagabay.
Ating pananampalataya’y nakumpleto na,
sumasaksi tayo’t kita pag-ibig ng Diyos.
Natanggap na natin pagliligtas ng Diyos,
umaawit tayo ng papuri sa Kanya.
Kanyang matuwid at banal na disposisyon, nararapat purihin ng tao.
Purihin dunong Niya’t kapangyarihan sa Kanyang gawain,
nalupig at natamo na Niya ‘sang grupo ng mga tao.
Mga taong hirang mahal Siya’t taos na nagpapasakop.
Sasambahin namin Siya nang walang hanggan.
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.
Nagpupuri’t umaawit tayo sa Diyos. Nagpupuri’t umaawit tayo.