23 Gumagawa ng mga Himala ang mga Salita ng Diyos

O Diyos! Nagkatawang-tao Ka para pumarito sa piling ng sangkatauhan,

dinala Mo sa amin ang daan ng buhay na walang hanggan.

Ang lahat ng salita Mo ay ang katotohanan,

humahatol at lumilinis sa aming tiwaling disposisyon.

Ang mga salita Mo ay may awtoridad

at nagliligtas sa amin mula sa impluwensiya ni Satanas.

Malalim na nakaugat ang pagmamahal mo sa aming puso,

at gumagawa ng mga bagong kanta ng papuri sa Iyo ang lahat ng tao Mo.

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin!

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin!

Ang paglago ng bawat tao Mo

ay hindi maihihiwalay sa pagdidilig at pagpapastol ng mga salita Mo.

Ang puso ng bawat tao Mo

ay puno ng pagmamahal at pagkagiliw para sa Iyo.

Ganap Mong nakamit ang buong pagkatao namin,

paanong hindi kami aawit para sa Iyo?


II

O Diyos! Ang katuwiran Mo ay mas mataas sa mga langit,

ang kapanahunan ng kasamaan ay sinusunog ng poot Mo.

Ibinubunyag ng mga salita Mo ang Iyong pagkamakapangyarihan-sa-lahat,

ginagawang bagong muli at puno ng sigla ang langit at lupa at lahat ng bagay.

Nakamit Mo ang ganap na kaluwalhatian,

nagtagumpay Ka laban kay Satanas at natalo Mo ang mga kalaban.

Lahat ng tao Mo ay nagbabalik sa harap ng trono Mo,

nagtatamasa sa kasaganahan Mo, at nagpaparangal sa mga kamangha-mangha Mong gawa.

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin!

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin!

Sa bawat sandali ng buhay at kamatayan,

ginagabayan kami ng mga salita Mo para mapagtagumpayan namin ang pagpapahirap ni Satanas.

Ang bawat matunog na patotoo

ay pumupuri sa Iyong walang hanggang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan.

Ang mga salita Mo ay ang katotohanan at nagsasakatuparan sa lahat ng bagay,

nililinis at pineperpekto ang isang grupo ng mga tao at ginagawa silang mga mananagumpay.

Ang buong sansinukob ay nagsusumigaw ng papuri sa Iyo,

at hindi kailanman mapapatahimik ang mga tinig na ito ng papuri!

Sinundan: 22 Kahanga-hanga na Dumating Na ang Makapangyarihang Diyos

Sumunod: 24 O Makapangyarihang Diyos, Napakaluwalhati Mo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito