3 Makapangyarihang Diyos, ang Una at ang Huli

Mula sa Silangan hanggang Kanluran, nagsasaya ang buong mundo para sa Diyos.

Isang maluwalhati, banal na pangalan ang napapalaganap.

O, naging tao na ngayon ang Makapangyarihang Diyos.

Nakamit na Niya ang kaharian at nakababa na sa lupa.

Itinayo na Niya ang Sion gamit ang lahat ng Kanyang awtoridad;

nagpakita na Siya sa lahat ng bansa sa kaluwalhatian.

Dahil sa Kanyang pagliligtas, nagpupuri at umaawit ang lahat ng banal;

dahil sa pangalang ito, sila ay walang-katapusang masaya.

Namumuno ang Makapangyarihang Diyos bilang Hari (dinamitan sa kamaharlikaan),

nagsasalita sa pagiging matuwid, nagdadala ng kaligtasan (gamit ang Kanyang kapangyarihan).

Hawak ang kapangyarihan sa buong mundo ng mga salita ng Diyos,

at hindi kailanman mayayanig ang Kanyang kaharian.

Lahat ng bansa halina’t sambahin ang Makapangyarihang Diyos!

Nilalakasan natin ang ating tinig upang magsaya at umawit nang sama-sama.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Una at ang Huli,

ang mga nilalang ay pinupuri Siya magpakailanman.


Mula sa kung saan sumisikat ang araw hanggang sa kung saan ito lumulubog,

ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagniningning sa buong mundo.

Hindi natin maiwasang kumanta ng mga bagong awit para sa Makapangyarihang Diyos.

Kahanga-hanga ang mga dakilang gawa ng Makapangyarihang Diyos!

Ang mga salita ng Diyos ay nilulupig ang sangkatauhan, natalo na Niya ang lahat ng kaaway,

at nailigtas na lahat ng yaong Kanyang paunang itinalaga at hinirang,

inaakay Niya ang mga ito sa bagong langit at lupa.

Nakikita na ngayon ng lahat ng tao ang kaluwalhatian ng Diyos.

Kay ganda ng pangalan ng Diyos (lahat sa buong mundo)!

Mga tao ng lupa! Ipagbunyi ang Diyos!

Ang Diyos ay matagumpay, tinatalo ang lahat ng kaaway.

Umawit para sa Diyos, purihin ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat.

Lahat ng bansa halina’t sambahin ang Makapangyarihang Diyos!

Nilalakasan natin ang ating tinig upang magsaya at umawit nang sama-sama.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Una at ang Huli,

ang mga nilalang ay pinupuri Siya magpakailanman.


Natalo na ng Diyos si Satanas, nakamit ang lahat ng kaluwalhatian.

Nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay,

na nagtatagumpay kasama si Cristo.

Nararapat purihin at parangalan ang Makapangyarihang Diyos.

Binuksan na Niya ang balumbon, binuksan ang pitong tatak.

Ang mga salitang sinabi Niya ay lumalaganap sa buong mundo.

Ang pagiging matuwid ng Diyos ay nagniningning gaya ng makinang na liwanag,

at ang mga salita Niya ay gaya ng nag-aapoy na sulo.

Lahat ng bansa halina’t sambahin ang Makapangyarihang Diyos!

Nilalakasan natin ang ating tinig upang magsaya at umawit nang sama-sama.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Una at ang Huli,

ang mga nilalang ay pinupuri Siya magpakailanman.

Sinundan: 2 Ang Anak ng Tao’y Nagpakita Na

Sumunod: 4 Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito