762 Hindi Mo Tunay na Minamahal ang Diyos

I

Sa tingin ninyo’y sapat na ang natalikdan n’yo

para sa Diyos,

at ang inyong pagmamahal sa Kanya’y sapat na.

Ngunit mga salita’t kilos ninyo’y

suwail at mapanlinlang,

bakit lagi kayong ganyan?

Kayo’y sumusunod sa Kanya

ngunit ‘di kinikilala ang Kanyang salita.

Ito ba’ng itinuturing n’yong pagmamahal?

Kayo’y sumusunod sa Kanya

ngunit isinasantabi n’yo Siya.

Ito ba’ng itinuturing n’yong pagmamahal?


Wala ni kaunting pahiwatig

ng pagmamahal n’yo sa Diyos.

Matapos ang maraming taong paggawa

at ang mga salitang ibinigay ng Diyos,

gaano ang inyong natamo?

‘Di kaya’y oras nang magbalik-tanaw?


II

Kayo’y sumusunod sa Diyos

ngunit wala kayong tiwala sa Kanya.

Ma’ari bang ituring itong pagmamahal?

Kayo’y sumusunod sa Kanya

ngunit ‘di n’yo tanggap Kanyang pag-iral.

Ma’ari bang ituring itong pagmamahal?

Siya’y ‘di n’yo tinatrato nang angkop

sa kung sino Siya,

na siyang nagpapahirap para sa Kanya.

Ma’ari bang ituring itong pagmamahal?

Ito ba’ng itinuturing n’yong pagmamahal?


Wala ni kaunting pahiwatig

ng pagmamahal n’yo sa Diyos.

Matapos ang maraming taong paggawa

at ang mga salitang ibinigay ng Diyos,

gaano ang inyong natamo?

‘Di kaya’y oras nang magbalik-tanaw?


III

Kayo’y sumusunod sa Diyos

ngunit Siya’y inyong nililinlang,

sinusubukan n’yong linlangin Siya

sa bawat bagay.

Pinaglilingkuran n’yo Siya

ngunit wala kayong takot sa Kanya.

Siya’y sinasalungat ninyo

sa lahat ng aspeto at bagay.

Kayo’y marami nang inialay, ito’y totoo,

ngunit ‘di n’yo kailanman naisagawa

ang hiningi ng Diyos.

Ma’ari bang ituring itong pagmamahal?


Wala ni kaunting pahiwatig

ng pagmamahal n’yo sa Diyos.

Matapos ang maraming taong paggawa

at ang mga salitang ibinigay ng Diyos,

gaano ang inyong natamo?

‘Di kaya’y oras nang magbalik-tanaw?

Wala ni kaunting pahiwatig

ng pagmamahal n’yo sa Diyos.

Matapos ang maraming taong paggawa

at ang mga salitang ibinigay ng Diyos,

gaano ang inyong natamo?

‘Di kaya’y oras nang magbalik-tanaw?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Sinundan: 761 May Tunay Ka Bang Pagmamahal para sa Diyos?

Sumunod: 763 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Kailangang Malasap sa Tunay na Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito