763 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Kailangang Malasap sa Tunay na Buhay

I

Kung nais mong makita

at tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos,

dapat kang pumasok nang malalim

sa realidad at sa tunay na buhay

at makitang lahat

ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig

at kaligtasan, kaligtasan,

makita na ang mga ginagawa Niya’y

para maiwan ng tao kung ano’ng marumi,

at pinuhin ang nasa loob ng tao na

‘di kayang mapalugod ang kalooban ng Diyos,

makita’ng mga ginagawa Niya’y

para maiwan ng tao kung ano’ng marumi,

at pinuhin ang nasa loob ng tao na

‘di kayang mapalugod ang kalooban ng Diyos.


II

Mga salita ang gamit ng Diyos

upang tustusan ang tao;

inaayos Niya’ng mga kalagayan

sa tunay na buhay

upang maranasan ng tao.

Kung, gamit ang kaliwanagan

at patnubay ng mga salita ng Diyos,

madalas kang manalangin at maghanap

kaya natutuklasan mo’ng dapat mong isagawa,

pagkakataon para

sa gawain ng Banal na Espiritu,

tunay na nakikipagtulungan sa Diyos,

at ‘di naguguluhan at nalilito,

magkakaroon ka ng landas sa tunay na buhay,

at tunay na magbibigay-lugod sa Diyos.


III

‘Pag napalugod mo na’ng Diyos,

sa loob mo’y magkakaroon

ng patnubay ng Diyos,

at ika’y pagpapalain lalo ng Diyos,

na magpaparamdam sa’yo ng kasiyahan:

Ikararangal mong nabigyang-lugod mo na’ng Diyos,

kalooban mo’y magliliwanag,

at puso mo’y magiging maaliwalas at payapa.

Budhi mo’y giginhawa’t lalaya sa mga paratang,

at maaliwalas ang kalooban mo

‘pag nakikita mo’ng mga kapatid mo.

Ito’ng ibig sabihin

ng pagtamasa sa pag-ibig ng Diyos,

at ito lang ang tunay na pagtamasa sa Diyos.

Pagtamasa ng tao sa pag-ibig ng Diyos

ay nakakamit sa karanasan:

Sa pagdanas ng hirap

at pagsasagawa ng katotohanan

biyaya Niya’y nakakamit.

Kung gan’to mo ‘sinasagawa’ng katotohanan,

unti-unti kang makabubuo ng isang malinaw

na kaalaman sa marami sa gawain ng Diyos,

at sa oras na ‘yon

mararamdaman mong mga salita Niya

na kaharap mo’y kasinglinaw ng kristal.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Sinundan: 762 Hindi Mo Tunay na Minamahal ang Diyos

Sumunod: 764 Para Mahalin ang Diyos, Kailangan Ninyong Maranasan ang Kanyang Pagiging Kaibig-ibig

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito