761 May Tunay Ka Bang Pagmamahal para sa Diyos?
I
Kung mahal mo’ng Diyos
para sa kapakanan ng laman o kasiyahan,
pag-ibig mo’y maaaring aabot sa rurok
na wala ka nang hihingin pa,
ngunit hanap mo pa rin ay pag-ibig
na may bahid na hindi nais ng Diyos.
Yaong mahal lang ang Diyos upang punan
ang bagot na buhay at puso ay
ang mga uring hayok sa madaling buhay,
‘di yaong hanap ay tunay na pag-ibig sa Diyos.
Gan’tong pag-ibig ay pilit,
paghahanap na mapasaya’ng isip.
‘Di iyon kailangan ng Diyos.
Anong klase ang pag-ibig mo?
Bakit mahal mo ang Diyos?
Ga’no kalaki’ng tunay na pag-ibig sa Diyos
ang nasa loob mo ngayon?
II
Karamihan sa inyo’y may uri ng pag-ibig
na tinatanggihan ng Diyos.
Gan’tong pag-ibig ay ‘di kayang magtagal,
ni kayang mag-ugat ito,
tulad ng bulaklak na namumukadkad
at nalalanta nang ‘di namumunga.
Kung minahal mo na ang Diyos tulad nito
at kung walang
nag-aakay sa ‘yo sa landas sa unahan,
ika’y malulugmok.
Kung mahal mo’ng Diyos sa sandaling ito,
ngunit ‘di binabago’ng disposisyon ng buhay mo,
‘di ka makakawala kay Satanas.
Walang sinuman tulad nito’ng
ganap na makakamit ng Diyos;
siguradong sila’y magiging kay Satanas,
sa katawan, kaluluwa’t espiritu.
III
Yaong ‘di makakamit ng Diyos
ay babalik sa kung sa’n sila galing,
pababa sa lawa ng apoy
upang tanggapin ang parusa ng Diyos.
Yaong nakamit ng Diyos ay yaong
tinatalikdan at tinatakasan si Satanas.
Sila’y opisyal na kabilang
sa yaong nasa kaharian.
Ang mga tao sa kaharian ay ganito binubuo.
Handa ka bang maging ganitong klase ng tao?
Ikaw ba ay handang makamit ng Diyos?
Tumakas kay Satanas at bumalik sa Diyos?
Pag-aari ka ba ni Satanas, o ika’y kabilang ba
sa mga tao ng kaharian?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya