Tanong 3: Pero iniisip natin na ang salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia. Walang salita at gawain ng Diyos maliban sa nasa Biblia. Samakatwid, kailangang ibatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos. Mali ba iyan?

Sagot: Nadarama ng maraming nananalig sa iba’t ibang relihiyon na: “Ang salita at gawain ng Diyos ay nakatalang lahat sa Biblia. Walang salita o gawain ng Diyos maliban sa nasa Biblia.” Nakaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang kasabihang ito? Nangangahas ka bang sabihin na bawat isang piraso ng gawaing isinasagawa ni Jehova sa Kapanahunan ng Batas ay nakatalang lahat sa Biblia? Magagarantiyahan mo ba na lahat ng salita at gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay nakatalang lahat sa Biblia? Ano ang kalalabasan kung hindi nakaayon ang pananaw na ito sa mga tunay na pangyayari? Hindi ba hahamakin ng mga tao ang Diyos lilimitahan ang Diyos, at lalapastanganin ang Diyos dahil dito? Hindi ba ito nakakasakit sa disposisyon ng Diyos? Dapat nating malaman na ang Biblia ay isinulat ng mga taong naglilingkod sa Diyos maraming taon matapos kumpletuhin ng Diyos ang bawat yugto ng Kanyang gawain. Hindi maiiwasan na may ilang nilalamang nawawala o naalis. Totoo iyan. May ilang salita ng mga propeta na hindi nakatala sa Lumang Tipan kundi sa halip ay nakasama sa mga aklat ng Deuteronomio. Sa Bagong Tipan, kakaunti ang mga salita ng Panginoong Jesus na nakatala sa Apat na Ebanghelyo. Katunayan, nangaral at nagsagawa ang Panginoong Jesus nang hindi kukulangin sa tatlong taon. Ang mga salitang Kanyang sinambit ay sobra sobra pa sa nakatala sa Biblia. Iyan ay isang katotohanang hindi maikakaila ninuman. Tulad ng nakasaad sa Biblia: “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Mayroon ding ilang sulat ng mga apostol na hindi nakatala sa Biblia. Kapag nagbalik ang Panginoong Jesus, kailangan pa rin Siyang sumambit ng marami pang salita at magsagawa ng mas marami pang gawain. Maaari bang maitala sa Biblia ang mga bagay na ito? Naitala lamang sa Biblia ang propesiya ng pagbalik ng Panginoong Jesus, hindi ang Kanyang salita at gawain kasunod ng Kanyang pagbalik Ibig sabihin, limitado ang salita ng Diyos na nakatala sa Biblia. Ang mga salitang ito ay isang patak lang sa dagat ng buhay ng Diyos, ikasampung libo lamang, ika isang trilyon ng buhay ng Diyos. Dahil sa mga katotohanang ito, paano pa masasabi ng mga tao na nakatalang lahat ang salita at gawain ng Diyos sa Biblia? Paano nila masasabi na walang salita o gawain ng Diyos maliban sa nasa Biblia? Hindi makatwiran ang mga pahayag na iyon! Hindi man lang ito nakaayon sa mga katotohanan. Maraming taong gumagamit ng gayong mga pahayag para sabihin nang patapos na ang Biblia ang batayan ng pananampalataya ng tao sa Diyos. Hindi tumpak ang konklusyong ito. Tamang umasa ang tao sa Biblia bilang batayan ng kanilang pananampalataya sa Diyos, pero ang Biblia lamang ay hindi sapat. Ang pinakamahalaga ay lumakad sa landas ng paniniwala sa Diyos batay sa gawain ng Banal na Espiritu. Matatamo ang pagsang ayon ng Diyos sa ganyang paraan. Kung ang Biblia lamang ang batayan at walang gawain ng Banal na Espiritu, mauunawaan kaya ng tao ang katotohanan sa Biblia? Mauunawaan kaya ng tao ang Diyos? Kung may mga mali ang mga tao sa pag unawa sa salita ng Diyos at walang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, hindi ba niyan pinadali ang pagkaligaw ng landas? Puro totoong problema ang mga ito. Kung ang mga nananalig sa Diyos ay walang gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila matatamo ang katotohanan kailanman, at bukod pa rito ay hindi nila mauunawaan ang Diyos. Kahit madalas silang magbasa ng Biblia at makinig sa mga sermon, hindi pa rin nila mauunawaan ang katotohanan at mapapasok ang realidad. Ipinapakita nito na ang mga taong naniniwala sa Diyos nang walang gawain ng Banal na Espiritu ay walang anumang makakamtan.

Maraming pastor ng mga relihiyon at propesor ng teolohiya ang gumagamit ng isipan ng tao para ipaliwanag ang Biblia, at nagiging mga taong lahat na lumalaban sa Diyos. Katulad lang sila ng mga Fariseo, na pamilyar din sa Biblia at sinunod ang ilan sa mga patakaran nito, pero anumang kaalaman tungkol sa Diyos. Mukhang makadiyos ang kanilang panlabas na anyo pero wala silang anumang pagpipitagan sa Diyos. Nang magpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, ginamiat pa nila ang Biblia para labanan at tuligsain Siya, at isinumpa sila ng Diyos dahil dito. Anong klaseng problema ito? Maaari bang sa Biblia lamang ibatay ang pananampalataya ng tao sa Diyos o hindi? Sinasabi sa atin ng mapait na aral ng mga Fariseo na ang pagbabatay ng ating pananampalataya sa Diyos sa Biblia lamang ay hindi sapat, at ang pinakamahalagang batayan ay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, wala itong saysay kahit ilang taon pang naniniwala ang mga tao sa Diyos—sila sila magtatamo ng buhay. Ito ay isang katotohanang hindi maikakaila ninuman. Ipinapakita nito na ang pahayag na, “Ang pananampalataya sa Diyos ay kailangang ibatay sa Biblia, ang paglayo mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Diyos,” ay isang mali at katawa tawang pananaw. Malinaw na nakasaad sa salita ng Diyos sa Biblia na: “Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng Aking Espiritu, sabi ni Jehova ng mga hukbo(Zacarias 4:6). Nariyan din ang mga salita sa Mga Awit: “Malibang itayo ni Jehova ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo niyon: malibang ingatan ni Jehova ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay” (Awit 127:1). Ang dalawang talatang ito ay kapwa mga klasikong linya ng Biblia. Masasabi mo na alam ng lahat ng nananalig ang dalawang talatang ito ng kasulatan. Maaari bang sa Biblia lamang ibatay ang pananampalataya ng tao sa Diyos o hindi? Dapat ay malinaw ang sagot. Ang pangunahing batayan ng paniniwala sa Diyos ay ang gawain ng Banal nsa Espiritu at ang aktuwal na mga salita ng Diyos. Natatamo ang katotohanan at buhay sa ganyang paraan. Maraming taong hindi nakakaunawa sa Biblia, palaging iniisip na ang buhay na walang hanggan ay nasa Biblia at na maisasakatuparan ang lahat sa pagkapit lamang sa Biblia. Lubhang katawa tawa ang pananaw na iyan. Nasabi na ng Panginoong Jesus dati na, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6). Dapat malaman nang husto ng mga nananalig sa kanilang puso na ang Diyos ay Panginoon ng paglikha. Ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay, nangingibabaw sa lahat ng bagay, at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. May sukdulang karunungan at himala sa Diyos. Ang Biblia ay talaan lamang ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ang Biblia ay Biblia. Ang Diyos ay Diyos. Ang Biblia at ang Diyos ay dalawang magkaibang bagay at hindi mapagkukumpara. Ang Biblia ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos, at bukod pa rito ay hindi nito maaaring palitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Ang Diyos lamang ang maaaring magligtas sa tao. Kung maaaring iligtas ng Biblia ang tao, matibay na kumapit ang mga Israelita sa Biblia, pikit matang naniwala at sumamba sa Biblia nang libu libong taon, subalit bakit kailangan pa rin nilang dumating ang Mesiyas at iligtas sila? Kung maaaring iligtas ng Biblia ang tao, bakit kaya ang mga Fariseo na kumapit nang mahigpit sa Biblia ay tinuligsa at nilabanan pa rin ang Panginoong Jesus, at naging mga anticristo dahil sa pagkapoot sa Diyos? Sapat nang ipamalas na hindi maililigtas ng Biblia ang tao. Ang Biblia ay isang patotoo lamang tungkol sa Diyos. Kung kakapit lamang tayo sa Biblia pero hindi natin susundin ang gawain ng Diyos, hindi natin matatanggap ang pagliligtas ng Diyos. Dahil naniniwala tayo sa Diyos, dapat nating sundin ang gawain ng Diyos, at maranasan at maipamuhay ang salita ng Diyos, para matanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu, at matamo ang katotohanan at buhay. Kaya nga ang Biblia ay magsisilbi lamang reperensya para sa ating pananampalataya sa Diyos at hindi maaaring maging kaisa isang batayan. Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat ibatay sa aktuwal na mga salita ng Diyos at gawain ng Banal na Espiritu. Iyan ang pinakamahalagang tuntunin ng paniniwala sa Diyos. Talagang napakabobo at napaka ignorante natin kung hindi natin makita ang kaalamang ito ng ating sentido komun. Ang pag idolo sa Biblia o paggamit ng Biblia kahalili ng Panginoon ay paglaban at paglapastangan lamang sa Diyos. Kung pikit mata nating pinaniniwalaan at sinasamba ang Biblia pero hindi natin niluluwalhati at sinusunod ang Panginoon, paano tayo maaaring maging mga tunay na nananalig? Paano tayo naiiba sa mapagkunwaring mga Fariseo? Ipinapakita nito na kung naniniwala tayo sa Diyos pero hindi natin nauunawaan ang katotohanan sa loob ng Biblia at ang relasyon ng Biblia sa Diyos, napakadaling malihis tayo mula sa tunay na daan at maligaw ng landas.

Basahin natin ang ilan pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4).

Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Sa gayon, ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan.” “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay.” “Kung sabagay, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Ang Biblia ay naging bahagi na ng kasaysayan ng tao sa loob ng ilang libong taon. Bukod pa rito, itinuturing ito ng mga tao na parang Diyos, hanggang sa punto na sa mga huling araw, napalitan na nito ang Diyos, na nakasusuklam sa Diyos. Sa gayon, nang magkaroon ng pagkakataon, nadama ng Diyos na dapat Niyang linawin ang kuwento sa loob at mga pinagmulan ng Biblia; kung hindi Niya ito gagawin, patuloy na papalitan ng Biblia ang Diyos sa puso ng mga tao, at gagamitin ng mga tao ang mga salita sa Biblia upang sukatin at tuligsain ang mga gawa ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa diwa, kayarian, at mga kapintasan ng Biblia, hindi ikinaila ng Diyos sa anumang paraan ang pag-iral ng Biblia, ni hindi Niya ito tinuligsa; sa halip, nagbigay Siya ng angkop at akmang paglalarawan na nagpanumbalik sa orihinal na imahe ng Biblia, tinukoy Niya ang mga maling pagkaunawa ng mga tao sa Biblia, at nagbigay Siya sa kanila ng tamang pananaw tungkol sa Biblia, kaya hindi na nila sinamba ang Biblia, at hindi na sila naligaw; na ibig sabihin, upang hindi na nila mapagkamalang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ang kanilang bulag na pananampalataya sa Biblia, na takot pa ngang harapin ang tunay na pinagmulan at mga kamalian nito. … Kung hindi matakasan ng mga tao ang bitag ng Biblia, hindi nila magagawang humarap sa Diyos kailanman. Kung nais nilang humarap sa Diyos, kailangan muna nilang alisin sa kanilang puso ang anumang maaaring pumalit sa Kanya; sa gayon ay magiging kasiya-siya sila sa Diyos. Bagama’t ipinaliliwanag lamang ng Diyos ang Biblia rito, huwag mong kalimutan na marami pang ibang maling bagay na tunay na sinasamba ng mga tao bukod pa sa Biblia; ang tanging mga bagay na hindi nila sinasamba ay yaong mga tunay na nagmumula sa Diyos. Ginagamit lamang ng Diyos ang Biblia bilang halimbawa upang ipaalala sa mga tao na huwag silang tumahak sa maling landas, at huwag magmalabis na muli at maging biktima ng pagkalito habang nananalig sila sa Diyos at tumatanggap ng Kanyang mga salita(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia, Panimula).

Malinaw na naihayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Biblia ay isa lamang patotoo sa Diyos, isang talaan ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ang halaga at kahalagahan ng Biblia ay nasa mga salita ng Diyos sa unang dalawang yugto ng Kanyang gawain ayon sa nakatala rito. Tinutulutan nito ang buong sangkatauhan na makita sa pamamagitan ng salita ng Diyos sa Biblia kung paano nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, paano Niya nilikha ang sangkatauhan, paano Niya ginabayan ang sangkatauhan, at paano Niya tinubos ang sangkatauhan, sa pagtulong sa mga tao na magkaroon ng kaunting pag unawa tungkol sa Diyos. Dahil sa mga nakatala sa Biblia, maraming tao ang bumaling sa Diyos. Hindi lamang nila tinanggap na nillikha ng Diyos ang lahat ng bagay, kundi nagugutom din sila sa salita ng Diyos at naghahanap sa mga yapak ng Diyos. Lahat ng ito ay mga benepisyo at pagpapasiglang hatid ng Biblia sa sangkatauhan, at dito rin makikita ang halaga ng Biblia. Pero ang gawain ng Diyos ay laging sumusulong. Ang layunin ng pagliligtas ng sangkatauhan ay hindi makakamit pagkatapos lamang makumpleto ang unang dalawang yugto ng gawain. Ang plano sa pamamahala ng Diyos ay isang tatlong yugtong gawain. Kung kakapit lang tayo sa Biblia pero ayaw nating tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa labas ng Biblia, napakalaking kawalan niyan! Ang gawain ng Diyos na paglilinis, pagliligtas, at pagpapasakdal sa sangkatauhan ay nakakamtan lamang sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya nga lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating pagdadalisay, kaligtasan, at pagpasok sa kaharian ng langit. Bakit nagpropesiya ang Panginoong Jesus na kapag Siya ay nagbalik, lahat ng tatanggap sa Kanya ay dadalo sa hapunan? Sabi ng Panginoon, “Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero(Pahayag 19:9). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Malinaw sa ating lahat na ang ibig sabihin ng hapunang ito sa kasalan ay na tunay na matatamo at magagawang sakdal ng Diyos ang tao, at gagawin ang tao na may iisang isipan na kasama Niya, hindi na muling maghihiwalay. Kaya nga ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang lahat ng katotohanan para malinis at mailigtas ang tao. Yaong mga tatanggap at susunod matapos marinig ang tinig ng Diyos ay pawang matatalinong dalaga. Itinataas sila sa harapan ng luklukan upang dumalo sa hapunan sa kasalan ng Cordero, at nagtatamasa ng suplay ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw, lalaya sila mula sa pagkaalipin sa kasalanan upang makamtan ang pagbabago, at ginagawang mga mananagumpay ng Diyos. Sila ang pinakamapapalad na tao, at mga tao rin na tatanggap ng buhay na walang hanggan at papasok sa kaharian ng langit. Kung ibabatay lamang ng mga tao ang kanilang paniniwala sa Diyos sa Biblia at mananatiling nakadikit sa mga nakasulat sa Biblia at mga patakaran ng mga relihiyon, na naglalakad sa mismong lugar sa pamamagitan ng pagdikit sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, magiging madali para sa kanila na mapabayaan at mapalayas ng bilis ng gawain ng Diyos, kaya nawawalan sila ng pagkakataong malinis, mailigtas, at magawang sakdal ng Diyos sa mga huling araw. Lubos nitong pinuputol ang kaugnayan nila sa gawain ng pagliligtas ng Diyos. Lahat ng pagsisikap nila ay mauuwi sa wala at aalisin sila ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, lahat sila ay mga taong nagtaksil sa Kanya. Lahat sila ay mga walang pananalig na nabibilang sa mga gumagawa ng masama. Sa huli, lahat sila ay parang mga Fariseo noong araw, na isinumpa at pinarusahan ng Diyos dahil nagpilit silang kumapit sa Lumang Tipan at nilabanan at tinuligsa nila ang Panginoong Jesus. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Malinaw na, ito ang kauuwian ng mga taong nakakapit sa Biblia at ayaw tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Tingnan natin ulit ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

mula sa iskrip ng pelikulang Kalagin ang mga Kadena at Tumakbo

Sinundan: Tanong 2: Napakalinaw na sinabi ni Pablo sa 2 Timoteo 3:16 na “ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos”, at na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos. Sinusunod namin ang mga salita ni Pablo. Paano ito magiging mali?

Sumunod: Tanong 4: Kitang nagpatotoo na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at isinagawa ang Kanyang gawain ngpaghatol magsimula sa bahay ng Diyos. Malinaw na wala ito sa Biblia. Madalas sabihin sa atin ng mga pastor at pinuno na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia. Walang salita at gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia. Ang gawain na pagliligtas ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araway upang dalhin nang direkta ang Kaya sa tinagal-tagal, Kaya sa tinagal-tagal, naniwala tayong nakabatay sa Biblia ang paniniwala sa Panginoon. Hangga’t nananampalataya tayo sa Biblia magagawa nating pumasok sakaharian ng langit at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Ang paglayo mula sa Biblia ay ang pag-iwan sa daan ng Panginoon. Ito ay paglaban at pagtataksil sa Kanya. Ganoon ang iniisip ng lahat ng mga relihiyosong pastor at pinuno. Ano ang maaaring mali doon?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito