625 Kung Hindi Mo Kilala ang Diyos, Madali Kang Magkakasala sa Diyos
1 Laging gusto ng mga taong naglilingkod bilang mga lider na maging naiiba, na maging angat sa lahat, at na makatuklas ng ilang bagong pamamaraan upang maipakita sa Diyos kung gaano talaga sila kagaling. Subalit, hindi sila tumutuon sa pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos; lagi nilang gustong magpakitang-gilas. Hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan? Huwag mong basta-basta gagawin ang anumang pumapasok sa isip mo. Paano ito magiging ayos kung hindi mo isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng iyong mga pagkilos? Kapag nilabag mo ang disposisyon ng Diyos at nilabag mo ang Kanyang mga atas administratibo, at pagkatapos ay tinanggal ka, wala ka nang masasabi. Kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos o ang Kanyang kalooban, madali kang magkakasala sa Kanya at madali mong malalabag ang Kanyang mga atas-administratibo; isa itong bagay na dapat pag-ingatan ng lahat.
2 Kapag lubha mo nang nilabag ang mga atas-administratibo ng Diyos o nilabag ang Kanyang disposisyon, hindi Niya isasaalang-alang kung sinadya mong gawin iyon o hindi. Ito ay isang bagay na dapat mong makita nang malinaw. Kung hindi mo maunawaan ang isyung ito, tiyak na makapagdudulot ka ng mga problema. Sa paglilingkod sa Diyos, nais ng mga tao na sumulong nang husto, gumawa ng mga dakilang bagay, magsambit ng mga dakilang salita, magsagawa ng dakilang gawain, magdaos ng malalaking pulong, at maging mahuhusay na lider. Kung palaging matatayog ang ambisyon mo, malalabag mo ang mga atas-administratibo ng Diyos. Kung hindi maganda ang asal mo, hindi ka deboto, at hindi ka maingat sa iyong paglilingkod sa Diyos, sa malao’t madali, malalabag mo ang Kanyang disposisyon. Kung ikaw ay kaswal humarap sa mga bagay-bagay, walang pakialam sa kahit ano at walang takot sa Diyos, at sadya mong nilalabag ang mga atas administratibo Niya, kung gayon ay tiyak na mapaparusahan ka!
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi