624 Hindi Pinupuri ng Diyos Yaong mga Naglilingkod na Katulad ni Pablo
Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kagustuhan, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Ang mga gumagamit ng mga karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at manatiling nakatataas—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tumalikod sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay malalagas sa harap ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, umaasa sa pagiging una nila sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga ito, magiging hadlang sila buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa paglilingkod mo sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang masamang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon