97 Gumagawa ang Diyos Hanggang Ngayon, Ngunit Bakit Hindi Mo Pa Rin Nauunawaan?

1 Gumagawa sa lupa ang tunay na Diyos, ipinapakita ang sarili Niya sa katawang-tao, upang makilala Siya ng tao, upang makuha Niya ang puso ng tao at upang makuha Niya ang pagmamahal ng tao. Ngunit, dahil walang alam tungkol dito, matigas pa rin ang ulong naghahanap ang tao ng mga milagro. Ah! Paanong hindi mo nakikita ang kalooban ng Diyos? Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagampanan ang Kanyang gawain upang iligtas ang tao. Ah! Gumagawa ang Diyos hanggang ngayon, ngunit bakit hindi mo pa rin nauunawaan? Binigyan ka na ng Diyos ng labis na pagmamahal, ngunit wala ka pa ring malay!

2 Sinasabi mong naniniwala ka sa Diyos na nagkatawang-tao, subalit naghahanap ka pa rin ng isang malabong Diyos. Nananalangin ka sa iyong puso sa Diyos sa langit at umaasa na makita ang dakilang Diyos na iyon. At kapag tinanggap mo ang paghatol ng mga salita ng Diyos, makikilala mo ang praktikal na Diyos. Ah! Paanong hindi mo nakikita ang kalooban ng Diyos? Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagampanan ang Kanyang gawain upang iligtas ang tao. Ah! Gumagawa ang Diyos hanggang ngayon, ngunit bakit hindi mo pa rin nauunawaan? Kung hindi mo alam ang gawain ng Diyos, anong silbi na pag-usapan ang magawang perpekto?

3 Magpakailanman kang humihingi sa Diyos gamit ang iyong mga kuro-kuro, nang wala ni kaunting pagsunod o pagmamahal. Napakapraktikal ng gawain ng Diyos, paano iyon makakaayon sa kagustuhan ng tao! Ang kumapit nang mabilis sa mga kuro-kuro ay mapaghimagsik; ang humiling nang labis ay di-makatwiran. Ah! Paanong hindi mo nakikita ang kalooban ng Diyos? Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagampanan ang Kanyang gawain upang iligtas ang tao. Ah! Gumagawa ang Diyos hanggang ngayon, ngunit bakit hindi mo pa rin nauunawaan? Hindi ka dapat maging walang puso, dapat mong isaalang-alang ang puso ng Diyos.

4 Kung nais mong mahalin ang Diyos, dapat taos-puso ang iyong pagmamahal. Isantabi ang lahat ng iyong relihiyosong kuro-kuro. Pinipinsala mo ang iyong sarili para lamang makatamo ng mga pagpapala. Pinapalampas mo ang pagkakataong minsan lang dumating. Gaano karaming mga tapat na salita ang sinasabi ng Diyos—libo-libo, lahat ay para sa kapakanan ng pagperpekto sa tao. Ah! Paanong hindi mo nakikita ang kalooban ng Diyos? Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagampanan ang Kanyang gawain upang iligtas ang tao. Ah! Gumagawa ang Diyos hanggang ngayon, ngunit bakit hindi mo pa rin nauunawaan? Hangarin mong baguhin ang iyong buhay sa lalong madaling panahon, nang sa gayon ay maaliw ang puso ng Diyos.

Sinundan: 96 Nagbayad na ang Diyos ng Gayong Kalaking Halaga

Sumunod: 98 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Pinaparangalan Magpakailanman

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger