96 Nagbayad na ang Diyos ng Gayong Kalaking Halaga

1 Naging tao ang Diyos sa mga huling araw; Siya ay mapagpakumbaba at nakatago kasama ng tao. Ipinapahayag Niya ang katotohanan upang iligtas ang tao; ibinibigay Niya ang lahat ng Kanyang makakaya nang walang daing. Ang puso Niya ay mabait, ngunit sinasalubong Siya ng malalamig na titig. Binabayaran Niya ang halaga ng Kanyang buhay, ngunit sino nang sumalubong sa Kanya na may ngiti? Nagawa na Niya ang lahat ng magagawa para iligtas ang tao. Bakit hindi nauunawaan ng mga tao ang Kanyang puso?

2 Tumatawag sa akin ang Diyos gamit ang Kanyang mga salita; itinataas Niya ako sa harap ng Kanyang trono. Kapag Ako’y mangmang at kulang, binibigyan ako ng Diyos ng kaliwanagan; kapag ako’y malungkot at mahina, inaaliw ako ng Diyos. Kapag ako’y palalo, nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba o mapaghimagsik, dinidisiplina ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag nakakaranas ako ng paghihirap at mga pagsubok, pinapatnubayan at inaakay ako ng mga salita ng Diyos. Sa pag-ibig ng Diyos, lumalago ang aking buhay. Iaalay ko ang aking buong pagkatao para makabayad sa kabutihan ng Diyos.

3 Namumuhay ang Diyos na kasama natin; nakikibahagi Siya sa ating paghihirap, katamisan at sakit. Hinahatulan at nililinis ako ng Kanyang mga salita; iwinawaksi ko ang aking katiwalian at naliligtas. Ang Diyos ay babalik sa Sion; kung sana lamang ay makapagtitipon tayo nang mas matagal. Ako’y puno ng kalungkutan at pag-aatubili; hindi ko alam kung kailan tayo muling magkakasama. Ginugunita ko ang biyaya ng Diyos, na ang bawat tagpo ay hindi malilimutan. Damang-dama ko ang Kanyang pagiging madaling-lapitan, pagiging kapita-pitagan, at pagiging kaibig-ibig. Ang dakilang pag-ibig ng Diyos ay nakaukit sa aking puso. Palagi, sinusunod ko Siya nang walang pag-aalinlangan. Buong buhay kong mamahalin ang Diyos at susuklian ang Kanyang pag-ibig.

Sinundan: 95 Ang Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 97 Gumagawa ang Diyos Hanggang Ngayon, Ngunit Bakit Hindi Mo Pa Rin Nauunawaan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito