98 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Pinaparangalan Magpakailanman
Ⅰ
Ano ang Iyong hinihingi habang tinitiis Mo ang malaking kahihiyan?
Para kanino Ka ba nagpapagal at nag-aalala?
Nagmamadali dito at doon upang isagawa ang kalooban ng Diyos,
iniisip Mo lamang ang gawaing ito.
Sa lungga ng tigre, ipinahahayag Mo ang katotohanan upang iligtas ang tao,
tahimik na tinitiis ang pagtanggi at paninirang-puri.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Ⅱ
Nagsasalita at gumagawa, nang mapagpakumbaba, nang nakatago,
hindi Mo kailanman ipinagmamalaki ang Iyong sarili.
Isang halimbawa sa mga tao, katabi Ka nilang nagdurusa,
tinitikman ang sakit sa gitna ng mga tao nang walang reklamo o pagsisisi.
Ibinibigay Mo ang daan ng buhay na walang hanggan sa sangkatauhan.
Ang Iyong mga salita at gawain ay nagpapahayag ng pag-ibig.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Ⅲ
Upang dalisayin at iligtas ang tao, nagbayad Ka ng bawat halaga.
Nagmamalasakit Ka tungkol sa buhay ng tao.
Gumagawa Ka ng maingat na mga pagsisikap
hanggang ang puso Mo, ang puso Mo ay naiwang pira-piraso.
Nagdusa Ka ng malaking kahihiyan, iniwan ng kapanahunan.
Nagtiis Ka ng sukdulang paghihirap upang iligtas ang tao.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Ⅳ
Mapagmataas at mapaghimagsik ang tao, madalas Ka niyang sinasaktan.
Matiyaga at may pagpaparaya, ginagawa Mo ang Iyong buong makakaya upang iligtas siya.
Walang lugar upang ipahinga ang Iyong ulo, ngunit inaalagaan Mo pa rin ang tao.
Dinidilig at pinapakain ang mga tao ng Iyong mga salita,
hinahatulan sila at sinusubok sila,
para lamang magtamo ang tao ng buhay at magkaroon ng magandang hantungan.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.
Oo, ang Iyong pag-ibig ay pinaparangalan, magpakailanman, magpakailanman.