Tanong 5: Si Moses na ginamit ng Diyos ang nagsagawa sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Bakit hindi gamitin ng Diyos ang tao para sa paghatol ng mga huling araw? At bakit kailangan Niyang magkatawang-tao para dito?

Sagot: Bakit kailangang isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw? Bakit hindi maaaring gawin na lamang ito ng mga taong ginagamit ng Diyos? Napakahalagang tanong, at nauugnay sa kung madadala ang tao sa harapan ng trono ng Diyos, makamit ang kaligtasan, at makapasok sa kaharian ng langit. Maraming sinabi ang Makapangyarihang Diyos sa tanong na ito. Basahin natin ang salita Niya.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. … Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang di pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi nababagay na hatulan ang iba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Dahil mismo sa paghatol na ito kaya ninyo nagawang makita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang katuwiran kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo. Dahil naibubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng tao, at dahil naibubunyag Niya ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng tao, sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at malinis, ngunit nabubuhay sa lupain ng karumihan. Kung nagtatampisaw ang isang tao sa putikan na kasama ng iba, at walang anumang banal tungkol sa kanya, at wala siyang matuwid na disposisyon, wala siyang karapatang hatulan ang kasamaan ng tao, ni hindi siya akmang magsagawa ng paghatol sa tao. Kung hahatulan ng isang tao ang iba, hindi ba parang sinasampal nila ang sarili nilang mukha? Paano magiging karapat-dapat ang mga taong pare-parehong marumi na hatulan yaong mga kagaya nila? Tanging ang banal na Diyos Mismo ang nagagawang hatulan ang buong sangkatauhang marumi. Paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makikita ng tao ang mga kasalanan ng tao, at paano magiging karapat-dapat ang tao na isumpa ang mga kasalanang ito? Kung hindi karapat-dapat ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya magiging matuwid na Diyos Mismo? Kapag ibinubunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nangungusap ang Diyos upang hatulan ang mga tao, at saka lamang nakikita ng mga tao na Siya ay banal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig).

Sinasabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang paghatol sa mga huling araw. Naisasagawa ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pagpapahayag ng Diyos ng mga katotohanan, sa matuwid Niyang disposisyon, at Kanyang kapangyarihan at karunungan para ilantad at hatulan ang malasatanas na masamang sangkatauhan, para iligtas ang sangkatauhan sa impluwensiya ni Satanas at baguhin ang disposisyon sa buhay ng tao, at para gawing perpekto ang tao at makamit ang katotohanan, makamit ang pagkakaunawa sa Diyos at mabuhay nang makabuluhan. Kinakailangang ang Diyos na nagkatawang-tao Mismo ang magsagawa ng ganoong pagliligtas at pagpeperpekto sa tao, dahil sa mga huling araw, puno ng disposisyon ni Satanas ang sangkatauhan. Sobra silang arogante, tuso at mapanlinlang, makasarili at kasuklam-suklam. Lahat sila’y naging angkan ni Satanas. Wala na silang konsensiya, katwiran, at dignidad ng normal na pagkatao. Para silang mga halimaw, parang hindi na mga tao. Para iligtas ng Diyos ang mga ganoon kasamang tao, kailangan Niyang magkatawang-tao para direktang ipahayag ang mga salita ng Diyos, at ipahayag ang matuwid, makahari, at napopoot na disposisyon ng Diyos para hatulan, lupigin, at linisin ang sangkatauhan, upang hindi lang marinig ng tao ang tinig ng Diyos, ngunit makita rin ang disposisyon at poot ng Diyos. Doon lamang lubos na malulupig at matatalo ang masamang sangkatauhan. Doon lamang babagsak ang tao, matatakot sa Diyos, susundin ang Diyos, at lalayuan ang kasamaan. Ito ang resulta na makakamit at matatamo ng gawaing paghatol ng Diyos sa katawang-tao. Ang pagkakatawang-tao Niya’y ’di lang para ipahayag ang mga salita Niya. Ang pangunahing bagay ay hayaang matunghayan ng tao ang pagpapakita ng Diyos at ang Kanyang disposisyon, makita ang mga gawa ng Diyos at ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at kasabay nito makita ang tabernakulo ng Diyos kasama ang tao, at nabubuhay ang Diyos kasama ang tao, at nabubuhay ang tao sa harapan ng Diyos at nakikipagsamahan at nakikipag-usap mismo sa Diyos. Lahat ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para isagawa ang Kanyang paghatol. Personal na alam ng lahat ng nakaranas sa gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw ang mga katotohanang ito.

Maraming hindi nakakaintindi kung bakit ’di ginagamit ng Diyos ang mga tao para isagawa ang Kanyang paghatol ng mga huling araw. Una’y dahil masama ang diwa ng tao at taglay ang diposisyon ni Satanas. Kahit maperpekto sila at kontrolin ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila karapat-dapat ipahayag ang mga salita ng Diyos, at higit pa riyan, hindi sila karapat-dapat na ipahayag ang disposisyon, ang kapangyarihan at karunungan, at lahat ng mayroon at kung ano ang Siya, dahil ang taong ginagamit ng Diyos ay may diwa ng pagkatao at walang kabanalan, kaya hindi siya kwalipikadong gumawa sa ngalan ng Diyos. Anuman ang sabihin o gawin niya, hindi siya pwedeng kumatawan sa Diyos, kaya hindi niya pwedeng isagawa ang pagliligtas sa sangkatauhan. Halimbawa, ginamit ng Diyos si Moises sa Kapanahunan ng Kautusan. Noon, pwede lang sabihin ni Moises ang mga salita ng Diyos tulad ng isang propeta. Bakit hindi niya tinangkang magsalita sa ngalan ng Diyos? Dahil siya ay tao, hindi ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang malaking pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao at ng isang taong ginagamit ng Diyos. May nagtanong ngayon, dahil ginamit ng Diyos si Moises sa Kapanahunan ng Kautusan, bakit hindi rin Niya ginamit ang tao para sa Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw? May espesyal na sitwasyon para sa paggamit ng Diyos kay Moises sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi pa lubos ang pagpapasama ni Satanas sa tao noon. Ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi ang pagbabago sa disposisyon ng tao, kundi ang pagpapatupad sa mga kautusan at batas para gabayan ang buhay ng mga tao. Ginamit ng Diyos si Moises para ipalaganap ang mga kautusan at batas, para sabihin sa mga tao na sundin ang mga batas at kautusan ni Jehova na Diyos at ang mga prinsipyong dapat isabuhay nila, para maintindihan ng mga tao kung paano mabuhay sa harapan ng Diyos at sambahin ang Diyos, para pamunuan ang mga bagong silang na tao kung paano mabuhay sa mundo. Makakamit ang mga ito kahit sa paggamit lang ng Diyos kay Moises para gawin ito Ipinapakita nito na sa bawat panahon, ang Diyos man ay magkatawang-tao para magtrabaho o gamitin ang tao batay ang lahat ng ito sa plano sa pamamahala ng Diyos at sa pangangailangan ng masamang sangkatauhan. Ang pagtubos sa Panahon ng Biyaya at paghatol sa mga huling araw ay para simulan at tapusin ang isang panahon. Gawaing pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan ang mga ito, at kailangang ang Diyos na nagkatawang-tao mismo ang gagawa. Walang makapapalit sa Kanya. Tulad ng sinasabi ng Panginoong Diyos: “Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagpapasimulang magpatakbo ng Kanyang gawain, at Siya rin ang tumatapos nito. Siya ang nagpaplano ng gawain, at Siya rin ang namamahala nito, at lalo na, Siya ang nagpapabunga sa gawain. Tulad ito ng nakasaad sa Biblia, ‘Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.’ Ang lahat ng may kaugnayan sa gawain ng Kanyang pamamahala ay ginagawa Niya Mismo. Siya ang Tagapamahala ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala; walang sinuman ang makakagawa ng Kanyang gawain bilang kahalili Niya o magtatapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may kontrol ng lahat. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo na mamuhay sa Kanyang liwanag, at tatapusin Niya rin ang buong kapanahunan upang dalhin ang lahat ng Kanyang plano sa katuparan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Sinundan: Tanong 4: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao at nagsasagawa ng paghatol ang Diyos ng mga huling araw. Mahirap makilala ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa South Korea, maraming tao ang tumuturing sa gawain ng tao bilang gawain ng Diyos. Mas maraming tao pa nga ang tumuturing sa mga nanlilinlang na salita ng mga huwad na Cristo bilang gawain ng Diyos, na dahilan para malinlang sila at sundan nila si Satanas. Kaya, pakisabi naman sa amin kung paano makikilala ang gawain ng Diyos at ang gawain ng tao at ano ang mga pagkakaiba ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawin ng tao na ginagamit ng Diyos. Kailangan nating maintindihan ang katotohanan tungkol dito.

Sumunod: Tanong 6: Umaayon din sa katotohanan ang mga salita ng mga tanyag na tao at nakakatulong sa mga tao. Kung ganoon, paano ito naiiba sa mga salita ng Diyos na katotohanan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito