Tanong 4: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao at nagsasagawa ng paghatol ang Diyos ng mga huling araw. Mahirap makilala ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa South Korea, maraming tao ang tumuturing sa gawain ng tao bilang gawain ng Diyos. Mas maraming tao pa nga ang tumuturing sa mga nanlilinlang na salita ng mga huwad na Cristo bilang gawain ng Diyos, na dahilan para malinlang sila at sundan nila si Satanas. Kaya, pakisabi naman sa amin kung paano makikilala ang gawain ng Diyos at ang gawain ng tao at ano ang mga pagkakaiba ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawin ng tao na ginagamit ng Diyos. Kailangan nating maintindihan ang katotohanan tungkol dito.
Sagot: Hindi natin pwedeng sabihin na lang na hindi magkaiba ang gawain ng Diyos at ng tao. Kung sisiyasatin natin, makikita natin ito. Halimbawa, kung titingnan natin ang binibigkas at gawain ng Panginoong Jesus at titingnan ang binibigkas at gawain ng mga alagad, kitang-kita ang pagkakaiba. Bawat salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay katotohanan at may kapangyarihan, at kayang ibunyag ang maraming misteryo. Hindi kailanman magagawa ng tao ito. Kaya napakaraming tao ang sumusunod sa Panginoong Jesus, Ang mga alagad ay kaya lang magpalaganap ng ebanghelyo, sumaksi sa Diyos, at tustusan ang iglesia. Limitado ang resulta. Kitang-kita ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Kaya bakit hindi ito maintindihan? Ano ang dahilan? Dahil hindi kilala ng masamang sangkatauhan ang Diyos at wala silang taglay na katotohanan. Samakatuwid, hindi nakikita ng tao ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, at madaling ituring ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao bilang gawain ng tao at madaling ituring ang gawain ng mga masamang espiritu at gawain ng mga huwad na Cristo at propeta bilang gawain ng Diyos na dapat sundin. Lumilihis ito sa totoong daan at tumututol sa Diyos, at itinuturing na pagsamba sa tao, at kay Satanas. Seryosong kasalanan ito sa disposisyon ng Diyos at isusumpa ng Diyos. Mawawala sa mga ganitong tao ang pagkakataong mailigtas. Kaya napakahalaga ng tanong mo sa pagsisiyasat ng mga tao sa totoong daan at pagkilala sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Sa panlabas, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos ay parehong parang tao ang gumagawa at nagsasalita. Pero malaki ang pagkakaiba ng diwa nila at uri ng gawain nila. Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang lahat ng katotohanan, misteryo at ang mga pagkakaiba ng gawain ng Diyos at tao. Ngayon lamang tayo may kaalaman at pagkakaintindi sa gawain ng Diyos at gawain ng tao. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
“Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan, na ibig sabihin ay na ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa bawat galaw at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang dumarating ang gawain ng mga apostol matapos ang sariling gawain ng Diyos at kasunod nito, at hindi ito ang namumuno sa kapanahunan, ni kumakatawan sa mga kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawaing kailangang gawin ng tao, na walang anumang kinalaman sa gawaing pamamahala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Sinisimulan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang bagong panahon, at ang mga tao na ginagamit Niya ang nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain na ginawa ng tao, at wala itong kakayahang lumampas sa ganitong saklaw. Kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, hindi magagawa ng tao na dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi magagawang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay nasa saklaw lamang ng kanyang tungkulin na kaya lamang ng tao, at hindi ito kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring dumating at tapusin ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang makakayang gawin ang gawaing ito sa ngalan Niya. Mangyari pa, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
“Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. … Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasimula ng isang bagong kapanahunan, ginagabayan ang buong sangkatauhan, naghahayag ng mga hiwaga, at ipinapakita sa tao ang direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan. Ang kaliwanagang natamo ng tao ay simpleng tagubilin lamang na isasagawa o para sa kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maihahayag ang mga hiwaga ng Diyos Mismo. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may malaking kaibhan sa mga taong kinakasangkapan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, personal na nangungusap ang Espiritu ng Diyos at naglulunsad ng bagong kapanahunan upang dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag tapos na Siyang magsalita, nagpapahiwatig ito na tapos na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos. Pagkatapos noon, lahat ng tao ay sumusunod sa pangunguna ng mga yaon na kinakasangkapan ng Diyos upang pumasok sa karanasan nila sa buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos).
“Lahat ng ipinapahayag ng Diyos ay kung ano Siya Mismo, at hindi ito kayang abutin ng tao—ibig sabihin, hindi ito kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Ipinapahayag Niya ang Kanyang gawaing pamunuan ang buong sangkatauhan, at wala itong kaugnayan sa mga detalye ng karanasan ng tao, kundi sa halip ay may kinalaman ito sa Kanyang sariling pamamahala. Ang ipinapahayag ng tao ay ang kanyang karanasan, samantalang ang ipinapahayag ng Diyos ay ang Kanyang pagkatao, na Kanyang likas na disposisyon, na hindi kayang abutin ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang kabatiran at kaalamang nakamtan batay sa pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang katauhan. Ang ganitong kabatiran at kaalaman ay tinatawag na pagkatao ng tao, at ang batayan ng pagpapahayag ng mga iyon ay ang likas na disposisyon at kakayahan ng tao—kaya nga tinatawag din ang mga iyon na pagkatao ng tao. … Ang mga salitang sinambit ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawaing nagawa ng Espiritu, na hindi pa naranasan o nakita ng katawang-tao, subalit ipinapahayag pa rin Niya ang Kanyang pagkatao, sapagkat ang diwa ng katawang-tao ay ang Espiritu, at ipinapahayag Niya ang gawain ng Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang katawang-tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay kumakatawan sa kanyang karanasan. Pinag-uusapan ng lahat ang kanilang personal na karanasan. Maipapahayag ng Diyos nang tuwiran ang katotohanan, samantalang maipapahayag lamang ng tao ang karanasang tumutugma sa kanyang pagdanas sa katotohanan. Ang gawain ng Diyos ay walang mga panuntunan at hindi sakop ng panahon o mga limitasyon ng heograpiya. Maipapahayag Niya kung ano Siya kahit kailan, kahit saan. Gumagawa Siya ayon sa gusto Niya. Ang gawain ng tao ay may mga kundisyon at konteksto; kung wala ang mga ito, hindi siya makakagawa at hindi niya maipapahayag ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos o ang kanyang karanasan sa katotohanan. Para masabi kung ang isang bagay ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao, kailangan mo lamang ikumpara ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Kung tao ang gagawa ng gawaing ito, masyado itong magiging limitado: Maaari nitong madala ang tao hanggang sa isang punto, ngunit hindi nito madadala ang tao sa walang-hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, kaya niyang tiyakin ang mga pagkakataon ng tao at hantungan sa hinaharap. Subalit, ang gawaing ginagawa ng Diyos ay naiiba. Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya ito nang lubusan, at ganap na kakamtin; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya ito sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangan Niyang akuin ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito ang gawaing ginagawa ng Lumikha” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).
Pinalinaw nang mabuti ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kaibahan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Dahil magkaiba ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong ginagamit ng Diyos, malaki rin ang pagkakaiba ng gawain nila. Parang ordinaryo at normal na tao sa panlabas ang Diyos na nagkatawang-tao, pero Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid meron Siyang banal na substansya at taglay ang awtoridad, kapangyarihan, at karunungan ng Diyos. Kayang ipahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga katotohanan sa Kanyang gawain at ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya, at simulan ang bagong panahon at tapusin na ang luma, at ibunyag ang lahat ng misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos, ipinahahayag ang mga intensyon ng Diyos at mga kinakailangan ng Diyos sa tao. Katotohanan ang lahat ng salita ng Diyos na nagkatawang-tao at pwedeng maging buhay ng tao at baguhin ang disposisyon nilang lahat. Kayang lupigin at linisin ang tao ng salita ng Diyos na nagkatawang-tao at iligtas ang tao sa impluwensiya ni Satanas, at dalhin ang sangkatauhan sa magandang hantungan. Walang sinuman ang makagagawa ng ganoong epekto. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay gawain ng Diyos Mismo, at hindi mapapalitan ng sinuman. Sa kabilang dako, ang diwa ng tao na ginagamit ng Diyos ay tao. Mayroon lang silang pagkatao, hindi taglay ang banal na diwa ni Cristo, kaya hindi nila maipahayag ang mga katotohanan o disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Masasabi lang nila ang personal na kaalaman nila sa mga salita ng Diyos batay sa mga binigkas at gawain ng Diyos, o sabihin ang kanilang mga sariling karanasan at pagpapatotoo. Kinakatawan ng lahat ng kanilang kaalaman at pagpapatotoo ang kanilang personal na pag-intindi at mga pananaw sa mga salita ng Diyos. Kahit gaano pa kataas ang kanilang kaalaman o gaano katumpak ang kanilang mga salita, hindi masasabing katotohanan ang sinasabi nila, at lalong hindi masasabing mga salita ng Diyos, kaya hindi maaaring maging buhay ng tao ito at makapagbibigay lang sa tao ng tulong, panustos, suporta, at pagtuturo, hindi makakamit ang mga resulta ng paglilinis sa tao, pagliligtas sa tao, at pagpeperpekto sa tao. Samakatuwid, hindi kayang gawin ng taong ginagamit ng Diyos ang gawain ng Diyos Mismo at kaya lamang makipagkasundo sa Diyos upang tuparin ang tungkulin ng tao.
Pagdating sa pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, magbigay tayo ng aktwal na halimbawa para mas malinaw ito sa lahat. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangaral ng Panginoong Jesus: ang daan ng pagsisisi. “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” ibinubunyag ang mga misteryo ng kaharian ng langit. At personal Siyang ipinako bilang alay sa kasalanan para sa tao, isinasagawa ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan, pinagkukumpisal at pinagsisisi ang tao, at pinapatawad ang mga kasalanan ng tao, pinapatawad sila mula sa paghatol at sumpa ng kautusan para maging karapat-dapat silang humarap sa Diyos at magdasal sa Kanya, tamasahin ang saganang biyaya at mga katotohanan ng Diyos, at hayaan silang makita ang mahabagin at maawaing disposisyon ng Diyos. Sinimulan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang bahagi ng gawain ng Diyos para sa Kapanahunan ng Biyaya. Matapos ang Kanyang gawain inakay ng Kanyang mga alagad ang mga pinili para maranasan at isagawa ang mga salita ng Panginoong Jesus batay sa Kanyang mga binigkas at gawain, ipinapalaganap ang mga pagpapatotoo sa Kanyang pagliligtas at ipinapangaral ang Kanyang ebanghelyo ng pagtubos sa sangkatauhan sa buong mundo. Ito ang gawain ng mga alagad sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain din ng mga taong ginagamit ng Diyos. Ipinapakita nito sa atin na may pagkakaiba sa diwa ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng mga alagad. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, ibinubunyag ang lahat ng misteryo ng 6,000-taon ng plano sa pamamahala ng Diyos, isinasagawa ang paghatol magmula sa bahay ng Diyos, inililigtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas, ipinapakita sa tao ang matuwid, makahari, puno ng poot, hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos, para makalaya ang napasamang sangkatauhan mula sa kasalanan, matamo ang kabanalan, at makamit ng Diyos. Sinimulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang gawain ng Diyos para sa Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng taong ginagamit ng Diyos, batay sa gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos, ay dinidiligan at ipinapastol ang mga napiling tao ng Diyos, inaakay silang pumasok sa katotohanan ng mga salita ng Diyos at sa tamang daan ng paniniwala sa Diyos, at ipinapalaganap at nagpapatotoo sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng pagbaba ng kaharian. Ito ang gawain ng tao na ginagamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Ipinapakita nito sa’tin na ang gawain ng Diyos sa dalawang pagkakatawang-tao Niya ay ang pagsisimula ng isang panahon at pagtatapos ng isa pa. Nakatuon ito sa sangkatauhan at ang lahat ay yugto ng pagkumpleto sa plano sa pamamahala ng Diyos. Ito mismo ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Pinatutunayan sa dalawang pagkakatawang-tao Niya na ang Diyos lang ang makapagpapahayag ng katotohanan sa Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan. Walang tao na makagagawa ng gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao lamang at wala nang iba ang may kakayahang makagagawa ng gawain ng Diyos. Sa parehong pagkakatawang-tao ng Diyos, pinapatotohanan Niya na si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Bukod sa Diyos na nagkatawang-tao, walang sinumang makagagawa ng gawain ng Diyos. Hindi nila kayang magsimula ng bagong panahon, tumapos ng lumang panahon, at iligtas ang sangkatauhan. Kaya lamang umayon ang gawain ng mga tao na ginagamit ng Diyos sa gawain ng Diyos, para akayin at ipastol ang mga napiling tao ng Diyos at tuparin ang tungkulin ng tao. Kahit ilang taon pang nagtrabaho ang tao o gaano karami ang sinabing salita, o gaano kahusay ang kanilang trabaho sa panlabas, ang buong diwa nito’y gawain ng tao. Totoo ’yan. Yan ang pinakapangunahing pagkakaiba ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawain ng mga tao na ginagamit lamang ng Diyos.
Ipinabatid sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao. Ngayon lang natin nalalaman na habang nagtatrabaho ang Diyos na nagkatawang-tao kaya Niyang magpahayag ng mga katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Kung tatanggapin at mararanasan natin ang gawain ng Diyos, maiintindihan natin ang katotohanan, at maiintindihan ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos, ang diwa ng Diyos, ang intensyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, ang mga paraan ng Diyos sa pagliligtas, at mas maiintindihan natin ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Kasabay nito, maiintindihan din natin ang diwa, kalikasan at katotohanan ng pagpapasama sa atin ni Satanas. Sa gayon, ang ating masamang disposisyon ay madadalisay at mababago, at magkakaroon tayo ng totoong pagsunod at takot sa Diyos, at makakamit ang pagliligtas Niya. Gayunpaman, magkaiba ang gawain ng tao at ang gawain ng Diyos. Dahil hindi maipahayag ng tao ang katotohanan at masasabi lang nila ang kanilang mga personal na karanasan at kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos, kahit na ayon ito sa katotohanan, ang mga napiling tao ng Diyos lang ang magagabayan, maipapastol, masusuportahan, at matutulungan nito. Ipinapakita nito na kung aprubado ng Diyos ang isang tao, ang ginagawa nila’y ikoordina lang ang gawain ng Diyos at tuparin ang tungkulin ng tao. Kung hindi ito tao na ginagamit ng Diyos, na hindi taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon siya’y nagbubunyi sa talento, at katanyagan ng tao. Kahit pinaliliwanag nila ang Biblia, ipinagbubunyi nila ang mga salita ng tao dito, at pinawawalang-kabuluhan ang mga salita ng Diyos at pinapalitan ang mga salita ng Diyos. Ang gawaing ganito ay gawain ng mga Fariseo at gawaing pagtutol sa Diyos. Ang gawa ng tao ay isa sa dalawang sitwasyong ito. Ano man ang mangyari, ang pinakamalaking pagkakaiba ng gawain ng tao at ng Diyos ay ito: Kung gawain lang ito ng tao, hindi makakamit ang paglilinis at pagliligtas sa tao. Habang ang gawain ng Diyos ay kayang ipahayag ang katotohanan at dalisayin at iligtas ang tao. Katotohanan ’yan. Ang pangunahing pinag-uusapan natin dito ay ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ang gawain ng mga taong ginagamit Niya. Ang gawain ng mga pinuno ng relihiyon na hindi ginagamit ng Diyos ay ibang usapan.
Malinaw na makikita ang pagkakaiba ng mga gawain ng Diyos at ng mga gawain ng tao, pero kung ganon bakit sinasamba at sinusunod pa rin natin ang tao habang naniniwala sa Diyos? Ba’t andami pa ring tumuturing sa gawain ng mga sinasamba nila, tulad ng mga kilalang espiritwal na pinuno at pinuno ng relihiyon bilang gawain ng Diyos? Bakit may mga tao pang tumuturing sa panlilinlang ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu na tila ba gawain ng Diyos? Ito ay dahil hindi natin taglay ang katotohanan at ’di makita ang kaibahan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Hindi natin alam ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang diwa ng karaniwang tao, hindi rin natin alam kung paano uunawain kung ano ang katotohanan, at kung ano ang umaayon dito. Hindi natin mapagkaiba ang tinig ng Diyos at mga binibigkas ng tao, at pinasama tayo ni Satanas at sinasamba nating lahat ang kaalaman at mga handog, kaya napakadaling ituring ang kaalaman sa biblia, mga doktrina, at teolohikal na teoryang mula sa tao bilang katotohanan. Ang pagtanggap natin sa mga bagay na hindi kabilang sa katotohanan at mula sa tao ay pwedeng dumagdag sa kaalaman natin, pero hindi ito nakakatulong sa ating buhay, at hindi nakakamit ang mga epekto ng pagkilala at takot sa Diyos. Ang katotohanang ito, ay hindi maikakaila ng kahit na sino. Kaya kahit gaano pa karaming trabaho ang ginagawa ng isang tao, gaano karami ang sinasabi ng tao, gaano man katagal magtrabaho ang tao, o gaano kagaling ang kanyang trabaho, hindi nito makakamit ang resulta na paglilinis at pagliligtas sa tao. Ang buhay ng tao. Ay hindi magbabago. Ibinubunyag rin nito na hindi kailanman mapapalitan ng gawain ng tao ang gawain ng Diyos. Ang makapagliligtas sa tao ay tanging ang Diyos lamang. Kahit gaano kaikli ang panahon ng gawain ng Diyos at limitado ang mga salitang binibigkas Niya, makapagsisimula pa rin ito at makatatapos ng panahon, at kayang makamit ang pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ito mismo ang lantad na pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Kapag naintindihan lamang natin ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao na hindi na natin pikit-matang sasambahin at susundan ang tao, at mauunawaan at matatanggihan ang panlilinlang at pagkontrol ng mga huwad na Cristo at anticristo. Sa ganitong paraan, matatanggap at masusunod natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at matatamo ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos para makamit ang pagliligtas Niya. Kung hindi makikita ng tao ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao, hindi tayo makakalaya sa mga panlilinlang at pagkontrol ng mga huwad na Cristo at anticristo. Sa ganitong paraan, naniniwala tayo sa Diyos sa pangalan lamang, pero sa totoo’y naniniwala sa tao, sinusunod, at sinasamba ang tao; mga idolo ang sinasamba natin. Ang bagay na ito ay pagtutol sa Diyos, pagtataksil sa Kanya. Kung tatanggi pa rin tayong aminin ang mali sa ating mga ginagawa, sa bandang huli’y isusumpa tayo ng Diyos at iwawaksi Niya dahil sa pagkakasala sa Kanyang disposisyon. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos. “Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag ninyong sabihing naniniwala kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw ko nang marinig iyong muli, dahil ang pinaniniwalaan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo. Lahat ng umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingisi kapag nakakarinig sila tungkol sa kamatayan, ay mga supling ni Satanas, at sila yaong aalisin” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan).
mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik