Tanong 6: Umaayon din sa katotohanan ang mga salita ng mga tanyag na tao at nakakatulong sa mga tao. Kung ganoon, paano ito naiiba sa mga salita ng Diyos na katotohanan?

Sagot: Mahalaga ang tanong mo na ito! Maraming tao ang hindi nakakaintindi sa pangunahing isyu na ito para siyasatin ang totoong daan. Tinatanggap nila ang salita ng Makapangyarihang Diyos bilang katotohanan at makapangyarihan, pero hindi nila maintindihan ang kaibahan ng mga salita ng mga tanyag na espiritwal na pinuno na umaayon sa katotohanan sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, napakahirap nilang tanggapin ang gawain ng Diyos at madala sa harapan ng trono ng Diyos. Kung ituring nating mga salita ng Diyos ang lahat ng salitang umaayon sa katotohanan, napakadali nating malinlang at sambahin ang tao, at sundin si Satanas sa pagtutol, pagtataksil, at pagkakasala sa disposisyon ng Diyos. Tulad ng kung paano maraming tao ang sumusunod sa mga pastor at pinuno, at sumusunod sa mga huwad na Cristo. Isang bagay itong isusumpa ng Diyos. Kaya ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pag-intindi sa katotohanan at kaalaman at mga doktrina, at ang pagkakaiba ng katotohanan at mga salita na umaayon sa katotohanan. Napakahalaga nito. Kung ’di natin maintindihan ang katotohanan, ’di natin makikilala si Cristo. Kung ’di natin alam ang kaibahan ng katotohanan at mga salitang umaayon dito, imposibleng marinig natin ang tinig ng Diyos at bumalik sa Diyos. Talagang totoo ito. Kaya ano ba ang katotohanan at ano ang mga salitang umaayon sa katotohanan? Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.

Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong ‘talinghaga ng buhay’. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na ‘pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).

Ang direktang ipinapahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang anumang umuusbong mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay umaayon lang sa katotohanan, dahil nagbibigay-liwanag ang Banal na Espiritu sa mga tao batay sa kanilang tayog at hindi nito maaaring direktang ipahayag ang katotohanan sa tao. Ito ay isang bagay na dapat mong maunawaan. At kapag, batay sa mga salita ng katotohanan, nagtatamo ang mga tao ng mga kabatiran, at kaalaman mula sa pagdanas, itinuturing ba ang ganitong mga kabatiran at kaalaman bilang ang katotohanan? Sa sukdulan, ito ay kaunting kaalaman tungkol sa katotohanan. Ang mga salitang binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa mga salita ng Diyos, hindi kumakatawan ang mga ito sa katotohanan, hindi nabibilang ang mga ito sa katotohanan; ang mga ito ay kaunting kaalaman lamang tungkol sa katotohanan, kaunting kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. … Nararanasan ng lahat ng tao ang katotohanan, nguni’t nararanasan ito ng bawat isa sa magkakaibang kondisyon, at bawat isa ay nagtatamo ng magkakaibang bagay. Nguni’t kahit na pagsama-samahin pa ang kaalaman nila, hindi pa rin nila magagawang ganap na maipaliwanag ang isang katotohanan. Ganoon kalalim ang katotohanan! Bakit sinasabi na ang mga bagay na natamo mo at ang iyong kaalaman ay hindi makahahalili para sa katotohanan? Ibinabahagi mo sa iba ang iyong kaalaman, at dalawa o tatlong araw lang ng pagninilay-nilay ang kailangan para ganap nilang maranasan ito. Nguni’t maaaring igugol ng mga tao ang buong buhay nila ngunit hindi pa rin lubusang maranasan ang katotohanan; kahit pa pagsama-samahin ang naranasan ng bawat tao, hindi pa rin lubusang mararanasan ang katotohanan. Kaya makikita na lubhang malalim ang katotohanan! Hindi lubusang maipaliliwanag ang katotohanan gamit ang mga salita. Sa wika ng tao, ang katotohanan ang tunay na diwa ng sangkatauhan. Hindi kailanman magagawang ganap na maranasan ng tao ang katotohanan. Dapat mabuhay sa katotohanan ang tao. Mapapanatiling buhay ng isang katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.

Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya. Kung sinasabi mo na ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos? Maaaring may ilang karanasan o liwanag ka tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi mo ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya itong liwanag na natamo mo ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring maabot ng mga tao. Ito lamang ang tamang karanasan at tamang pagkaunawa na dapat taglay ng isang tao: ilang aktuwal na karanasan at kaalaman sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito na batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit pa ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsama-sama ang lahat ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pa rin nito mapapalitan ang nag-iisang katotohanang iyon. … Sa madaling salita, ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan, sa mga intensyon ng Diyos at Kanyang mga kahilingan ang iyong pagkaunawa, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan(“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Napakalinaw na sinabi ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang katotohanan at kung ano ang mga salitang umaayon sa katotohanan. Mula sa Diyos ang katotohanan. Katotohanan ang lahat ng ipinahayag ng Diyos. Ito’y isang bagay na napakasigurado. Kung ganoon, ano ang katotohanan? Ano ang diwa ng katotohanan? Dahil ang lahat ng katotohanan ay pagpapahayag ng Diyos, likas itong pagbubunyag ng diwa ng buhay ng Diyos at pagbubunyag kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at ano ang disposisyon Niya. Ang katotohanan ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Hindi ito kailanman magbabago at palaging iiral. Katotohanan ang buhay ng Diyos, at may taglay itong kapangyarihan. Kapangyarihan na linisin, iligtas, at gawing perpekto ang tao at pagkalooban ito ng magpakailanmang buhay. Ang layunin ng pagpapahayag ng Diyos sa katotohanan ay para makamit ng tao ang katotohanan bilang kanilang buhay at mabuhay sa mga salita ng Diyos. Kung makakamit ng sangkatauhan ang katotohanan bilang buhay, ganap na malilinis ang kanilang masamang kalikasan at mala-satanas na disposisyon. Sa pamumuhay ng ayon sa katotohanan, ang sangkatauhan ay maaaring mabuhay ng parang tunay na tao, maging sangkatauhang banal at umaayon sa mga intensyon ng Diyos. Sa ganitong paraan makakamit ang kabuluhan ng paglikha ng Diyos sa tao. Ito ang tunay na resultang gustong makamit ng Diyos sa kanyang pagligtas sa sangkatauhan. Matapos ang malalaking sakuna, susundin at sasambahin ng mga nakaligtas na tao ang Diyos. Sila’y mga taong nakakamit ng katotohanan at kaligtasan. Dadalhin sila ng Diyos sa Kanyang kaharian, tatamasahin ang pangako ng Diyos at kakamtin ang magandang hantungan. Lahat ng ito’y isasakatuparan ng salita ng Diyos at resultang makakamit ng mga katotohanang kanyang ipinahayag. Kahit na umayon sa katotohanan ang mga salita ng mga tanyag na pinunong espiritwal at nakakatulong sa mga tao hindi sila maaaring kunin bilang katotohanan at hindi maaring ikumpara sa mga salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay pwedeng maging buhay ng mga tao, pero ang salita ng kapwa tao ay hindi kailanman pwede. Kaya ng katotohanan na linisin, baguhin, at perpektuhin ang tao, pero ang salita ng tao na umaayon lamang sa katotohanan ay hindi kayang gawin ang lahat ng ito. Isa itong katotohanang hindi maikakaila ninoman. Makikita nating lahat na marami nang tao ang ginamit ng Diyos sa nakaraang panahon pero kahit sino pa siya o gaano karaming taon o gaano karaming salita, hindi nakamit ng kanilang gawa’t salita ang paglilinis, pagliligtas, at pagperpekto sa tao. Palagay nyo bakit ganito? Dahil ang salita ng tao na naaayon sa katotohanan ay base sa limitado nilang karanasan at kaalaman sa salita ng Diyos at katotohanan. Ang kanilang naipapahayag ay pawang sariling pananaw at opinyon, na kumakatawan lamang sa kanilang personal na katayuan at kaalaman tungkol sa Diyos at sa katotohanan. Kahit na dalisay ang pagtanggap, umaayon sa katotohanan, makabuluhan, at nakakatulong sa tao, ang mga salitang ito ay masasabing lamang na tama, mga salitang umaayon sa katotohanan. Pero ang mga salitang umaayon sa katotohanan ay napakaiba pa rin sa diwa ng katotohanan mismo, at hindi masasabing katotohanan. Ang kanilang mga aklat, salita at pangangaral ay mula sa kanilang saliring pasanin sa iglesia, pagpapastol sa iglesia, pag aalo at pagkumbinsi sa mga deboto o pagtulong sa mga tao na lutasin ang kanilang mga kahirapan at kalituhan sa kanilang paniniwala sa Diyos. Pero laging panandalian lamang natutustusan ng kanilang mga salita ang mga tao at hindi kailanman mapapalitan ang mga resulta ng gawain ng Diyos. Sapat na ang pagpapatunay na ganap na iba ang mga salita ng tao na umaayon sa katotohanan mula sa diwa ng katotohanan mismo, hindi ito masasabing katotohanan, at hindi masasabing mga salita ng diyos Ito ay ang diperensya ng katotohanan sa mga salitang naayong lamang dito. Maliwanag ba sa lahat?

Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa mga hiwagang ito natatanto na may malaking pagkakaiba sa sinasabi ng mga tao ayon sa katotohanan at sa salita ng Diyos na siyang katotohanan. Hindi maaaring pagkumparahin ang dalawang ito! Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Maaaring gugulin ng isang tao ang kanyang buong buhay sa pagdanas ng isang pahayag ng Diyos. Halimbawa, sa pagiging matapat na tao, hiniling ng Panginoong Jesus sa mga tao: “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, ‘Oo, oo; Hindi, hindi’: sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama(Mateo 5:37). “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit’(Mateo 18:3). Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos at ganoon pa rin ang hiling sa tao. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa diwa, matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). “Dapat kang maging isang matapat na tao, hindi isang laging tuso at laging mapanlinlang. (Dito ay muli Kong hinihingi sa inyo na maging isang matapat na tao.)(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno). Natatanto natin mula sa salita ng Diyos na malaki ang kahalagahan ng pagiging matapat na tao. Tanging ang matatapat na tao ang may tunay na pagkatao. Ang matatapat na tao ang kawangis ng mga tunay na tao. Mahal ng Diyos ang taong matapat. Nilikha ng Diyos ang tao, inililigtas ang tao, at ginagawang perpekto ang tao upang gawing matapat ang tao. Ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa pagiging tulad ng maliliit na bata ay ang estilo ng isang matapat na tao. Kung ang isang tao ay nagtatagumpay sa pagiging matapat na tao, siya ay pagpapalain ng Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit. Ang pinakamahalaga tungkol sa mga taong tapat ay na ibinibigay nila ang kanilang puso sa Diyos, naniniwala sa Diyos sa kanilang mga puso, at minamahal ang Diyos sa kanilang mga puso. Dalisay nilang nabubuksan ang kanilang sarili upang tunay na makipag-ugnayan sa at ibigay ang kanilang puso sa Diyos. Bukod pa rito, ang mga taong matapat ay hindi nakikipagkasundo, nag-iisip ng negatibong mga balakin o humihingi ng kapalit kapag isinasagawa ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila nililinlang ang Diyos ni ang tao. Ito ang katotohanan na dapat taglayin ng tao. Ang katotohanan tungkol sa pagiging isang taong matapat ay tila simple lang, madaling maunawaan at isabuhay, ngunit ito ang pinakamahalagang katotohanan ng pagiging tao. Ito ay sapat nang maranasan ng tao sa habambuhay. Kahit gaano karami ang mga karanasan at pagpasok ng mga tao sa katotohanan ng pagiging matapat na tao, hindi pa rin nila dama na ito ay perpekto. Palagi nilang nadarama na mayroon pa ring kalikuan, pandaraya, at mga pakikitungo na hindi lubusang nalinis. Kahit paano palagi nilang nadarama na hindi nila talaga naipamuhay ang estilo ng isang matapat na tao. Ito ang tunay na karanasan ng katotohanan sa likod ng pamumuhay bilang matapat na tao. Makikita na anumang katotohanan ay isang hiwaga na maraming praktikal na nilalaman, na saganang-sagana. Gaano man kalalim ang naging karanasan at pagkaunawa ng tao sa katotohanan, imposibleng mailahad nang napakalinaw ang kakanyahan ng katotohanan sa mga wika ng tao. Ito ay katotohanan. Samakatuwid, kahit na ang sinasabi ng isang tao ay ayon sa katotohanan, hindi pa rin ito maikukumpara sa salita ng katotohanan at ituturing na katotohanan. Diyos ang nagmamay-ari ng katotohanan. Tanging ang Diyos ang katotohanan, kaya’t tanging si Cristo na nag-aangkin ng banal na kakanyahan ang makapagpapahayag ng katotohanan. Ang tao ay nagtataglay lamang ng kakanyahan ng pagkatao at kung ano ang pagkatao. Ang tao mismo ay hindi ang katotohanan, at hindi siya nagtataglay ng katotohanan. Kaya’t pananaw at kaalaman lamang ng tao ang maipapahayag niya. Kahit na sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at palaging pag-ayon sa katotohanan, ang kanyang mga salita ay hindi kailanman katulad ng katotohanan. Kung ang sinasabi ng tao na naaayon sa katotohanan ay igigiit na salita ng Diyos at ang katotohanan, ito ay puro insulto lamang sa Diyos. Ito ay kalapastanganan!

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Sinundan: Tanong 5: Si Moses na ginamit ng Diyos ang nagsagawa sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Bakit hindi gamitin ng Diyos ang tao para sa paghatol ng mga huling araw? At bakit kailangan Niyang magkatawang-tao para dito?

Sumunod: Tanong 7: Tanging salita ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging buhay ng tao. Ito ang sigurado! Ngunit hindi malinaw sa akin ang kahulugan ng salita ng Diyos bilang buhay ng tao at mga resultang kaya nitong makamit. Maaari bang magbahagi pa kayo ng mas maraming detalye?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito