371 Sino ang Maaaring Magmalasakit sa Kalooban ng Diyos?
Ⅰ
Tao’y naranasan pagkagiliw Ko,
dati’y naglingkod sila sa Akin
at sila’y tunay na masunurin,
ginagawa’ng lahat para sa ‘Kin.
Ngunit tao’y ‘di na ‘to kaya ngayon;
sa espiritu nila sila’y umiiyak.
Tinitingnan Ako, tumatawag ng tulong;
‘di makakatakas sa suliranin nila.
Mga tao noo’y nangako,
nanunumpa sa lupa at langit
na bayaran kabaitan Ko
ng buong pagmamahal nila.
Umiyak silang may pighati sa ‘Kin;
iyak nila’y malungkot, hirap tiisin.
Ibibigay Ko’ng tulong sa sangkatauhan
dahil sa kanilang kapasyahan.
Kung tao’y malungkot,
nandito Ako upang sila’y aliwin;
kung sila’y mahina, tutulong Ako.
Kung sila’y mawala, ibibigay Ko ang daan;
at kung sila’y umiiyak, pupunasan Ko’ng luha nila.
Ngunit kung Ako’y malungkot,
sino’ng aaliw sa Akin?
Kung Ako’y nag-aalala,
sino’ng iintindi sa nadarama Ko?
Ⅱ
‘Di mabilang na beses tao’y sinunod Ako,
kagandahan nila’y ‘di malilimutan.
Ako’y tapat nilang mahal,
damdaming tunay kapuri-puri.
‘Di mabilang na beses Ako’y minahal nila
at buhay isasakripisyo.
Dahil sa katapatang ito,
pag-ibig nila’y nakamtan pagtanggap Ko.
‘Di mabilang na beses, inalay sarili nila,
kamataya’y mahinahong hinaharap sa kapakanan Ko.
Pag-aalala’y inalis sa mukha nila,
maingat Kong minasdan mukha nila.
‘Di mabilang na beses, sila’y minahal Ko
animo’y yaman Ko sila.
‘Di mabilang na beses, sila’y kinamuhian Ko,
animo’y kaaway Ko sila.
Tao’y ‘di pa rin maaarok ano’ng nasa isip Ko.
Kung tao’y malungkot,
nandito Ako upang sila’y aliwin;
kung sila’y mahina, tutulong Ako.
Kung sila’y mawala, ibibigay Ko ang daan;
at kung sila’y umiiyak, pupunasan Ko’ng luha nila.
Ngunit kung Ako’y malungkot,
sino’ng aaliw sa Akin?
Kung Ako’y nag-aalala,
sino’ng iintindi sa nadarama Ko?
Ⅲ
Kapag Ako’y malungkot,
sino’ng maghihilom sa sugat ng puso Ko?
Sino’ng makikipagtulungan sa Akin
sa oras na kailangan Ko ‘sang tao?
Nakaraang saloobin ba ng tao
sa Akin ngayo’y nawala, ‘di na babalik?
Bakit walang kahit isang natira sa alaala nila?
Mga tao’y nakalimutan na’ng mga bagay na ‘to,
dahil ginawang tiwali ng kaaway.
Kung tao’y malungkot,
nandito Ako upang sila’y aliwin;
kung sila’y mahina, tutulong Ako.
Kung sila’y mawala, ibibigay Ko ang daan;
at kung sila’y umiiyak, pupunasan Ko’ng luha nila.
Ngunit kung Ako’y malungkot,
sino’ng aaliw sa Akin?
Kung Ako’y nag-aalala,
sino’ng iintindi sa nadarama Ko?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27