372 Sino ang Naunawaan na Kailanman ang Puso ng Diyos?
I
‘Binigay na ng Diyos ang lahat Niya sa inyo,
walang ikinakait,
‘di tinatamasa’ng makamundong luwalhati,
o biyaya sa tao.
Tao’y malupit sa Kanya.
Yaman sa lupa’y ‘di na Niya natamasa,
iniuukol puso Niyang tunay,
lahat ‘binibigay sa tao.
Sino’ng nagbigay na ng aliw sa Kanya?
Tao’y tambak ang pabigat sa Kanya,
naipasa ang kasawia’t
naipilit pinakasawing sitwasyon.
Sinisisi Siya sa walang hustisya,
at tahimik Niya’ng tinatanggap ito.
Nagpoprotesta ba Siya,
o nanghihingi ng kabayaran?
Sino’ng nagpakita na ng pagdamay sa Kanya?
II
Bilang normal, sino’ng ‘di nagkaro’n
ng romantikong pagkabata?
‘Di nagkaro’n ng kabataang makulay,
o pamilyang magiliw?
Walang pag-ibig ng kaibigan, o respeto ng iba?
Walang kaaliwan sa pinagkakatiwalaan nila?
Ginhawa’t init natamasa na ba ng Diyos?
Sino’ng nagpakita na ng moralidad?
Sino’ng nagparaya sa Kanya,
nanatili sa oras ng kahirapan?
Tao’y walang-alinlangang humihingi sa Kanya.
Pa’no matatrato’ng naging-taong Diyos
bilang Diyos na mula sa Espiritu?
Sino’ng makakakilala sa Kanya?
III
Nasa’n ang katotohanan sa tao?
Nasa’n ang tunay na katuwiran?
Sino’ng makakaalam sa disposisyon Niya,
o makikompetensya sa Diyos?
Kaya pala, nang dumating ang Diyos sa tao,
walang may kilala sa Kanya;
‘di kataka-taka na tao’y tinanggihan Siya.
IV
Papa’nong matitiis ng tao’ng pag-iral ng Diyos,
o karimlan ng mundo’y
hayaang itaboy ng liwanag?
‘Di ba ‘to ang tuwid na debosyon
at pagpasok ng tao?
‘Di ba nakasentrong gawain ng Diyos
sa pagpasok ng tao?
Gusto Niyang isanib niyo’ng gawain Niya
sa pagpasok ng tao,
at magandang ugnayan ay itatag
sa pagitan ng tao at Diyos,
at tungkuli’y gampanan sa abot ng makakaya.
Sa ganto’ng paraan,
gawain ng Diyos ay matatapos,
at Siya’y maluluwalhati, Siya’y maluluwalhati.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 10