370 Ang Pinakanagpapalungkot sa Diyos
I
Ang pagsisikap na binubuhos ng Diyos sa tao’y
patunay na diwa Niya’y pag-ibig sa tao.
At mga kilos ng tao’y patunay ng pagkamuhi
sa katotohanan at pagsalungat sa Diyos.
Kailanma’y walang nakauunawa sa Kanya,
at ‘di nila Siya kayang tanggapin,
kahit na Siya’y matapat,
mga salita Niya’y malumanay at malinaw.
Sa lahat ng panahon,
inaalala ng Diyos ang sumusunod sa Kanya.
Ngunit walang panahong sila’y
tumatanggap sa mga salita Niya.
‘Di nila kayang tanggapin
ang mga mungkahi Niya.
‘Yon ang pinakanagpapalungkot sa Diyos.
II
Ginagawa nila ayon sa gusto nila ang gawain
na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila,
nang walang pagtatanong
sa kung ano’ng hinihingi Niya,
ni paghahanap sa mga layunin Niya.
Sinasabi pa rin nilang
tapat silang naglilingkod sa Kanya,
oo, sinasabi pa ring tapat silang
naglilingkod sa Kanya,
ngunit sila’y naghihimagsik sa Kanya,
naghihimagsik pa rin sa Kanya.
Sa lahat ng panahon,
inaalala ng Diyos ang sumusunod sa Kanya.
Ngunit walang panahong sila’y
tumatanggap sa mga salita Niya.
‘Di nila kayang tanggapin
ang mga mungkahi Niya.
‘Yon ang pinakanagpapalungkot sa Diyos.
III
Maraming naniniwala na ang katotohanang
‘di nila kayang tanggapi’y ‘di ang katotohanan;
maraming naniniwala na ang katotohanang
‘di nila kayang isagawa’y ‘di ang katotohanan.
Sa mga taong ito,
katotohanan Niya’y tinatanggihan;
‘di ito kinikilala, isinasantabi ito.
Naniniwala silang Siya’y Diyos sa salita,
ngunit tingin sa Kanya’y tagalabas,
‘di ang katotohanan, ang daan, o ang buhay.
Sa lahat ng panahon,
inaalala ng Diyos ang sumusunod sa Kanya.
Ngunit walang panahong sila’y
tumatanggap sa mga salita Niya.
‘Di nila kayang tanggapin
ang mga mungkahi Niya.
‘Yon ang pinakanagpapalungkot sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa