18 Kapag Umalingawngaw, Pagpupugay sa Kaharian

Di tulad no’ng araw ang Panahon ng Kaharian.

Ginagawa ng tao’y walang kinalaman.

Dahil Diyos ay bumababa, ginagawa Niya mismo,

gawaing di kayang gawin ng tao.

Pag nagsisimula ang pagtatayo ng kaharian,

nagkatawang-taong Diyos, ministeryo’y sinisimulan.

Naghahari Siya sa kaharian.

Nakababa na sa mundo ang kaharian.

Lahat nasa ilalim ng pag-ibig at habag ng Diyos,

pati na sa paghatol at pagsubok Niya.

Kinaawaan ang tao’t minahal Niya,

kahit no’ng naging tiwali sila.

Minsan na Niyang nakastigo sila,

kahit no’ng sila’y nagpailalim sa Kanya.

Nguni’t ‘di ba lahat nama’y nasa gitna mismo

ng Kanyang pagdurusa’t pagpipino?

Kapag umaalingawngaw, pagpupugay sa kaharian,

pitong kulog, dumadagundong naman.

Nangangatal, lupa’t kalangitan,

buong kalangita’y niyayanig;

damdamin ng tao’y nanginginig.

Isang awit ng kaharian ang naririnig

sa bansa ng malaking pulang dragon,

patunay na Diyos, winasak ang bansa nito

at itinatag ang Kanyang kaharian sa lupa.


Mga anghel Kanya nang isinusugo

sa lahat ng bansa sa mundo

upang gabayan, mga anak Niya’t mga tao.

Sa susunod na hakbang, tumutulong ito.

Nakikipaglaban ang Diyos

sa lungga ng pulang dragon.

Pag Diyos ay kilala nila,

nakikita ang Kanyang mga gawa,

sa Kanyang katawang-tao,

lunggang ito’y magiging abo.

Diyos ay bumababa na sa lugar ng pulang dragon,

mukha N’ya’y ibinabaling sa lahat.

Kalangitan, kalangita’y yumayanig.

May lugar bang walang paghatol ng Diyos,

o mga kalamidad na Kanyang ibinubuhos?

Diyos naghahasik ng sakuna sa’n man S’ya magpunta.

Tao’y inililigtas at minamahal Niya.

Nais ng Diyos na Siya’y makilala ng mas maraming tao,

sa gayo’y igalang Siya na di nila nakita noon

ngunit ngayo’y napakatotoo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10

Sinundan: 17 Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

Sumunod: 19 Matagumpay ang Hari ng Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito