19 Matagumpay ang Hari ng Kaharian
I
Kumikislap ang kidlat sa Silangan
sa sandaling magsalita ang Diyos,
ang buong kalangitan ngayo’y nagliliwanag
at lahat ng bitui’y nagbabagong anyo.
Lahat ng tao’y parang inihahanay.
Sa ilalim ng liwanag ng kidlat sa Silangan,
nahahayag ang totoong kulay ng tao.
Mga mata’y nasisilaw, napapatigil sa pagkalito,
‘di nila maitago ang pangit nilang katangian.
Gumawa ang Diyos ng panibagong simula
sa tahanan ng malaking pulang dragon,
at nagsimula rin ng bagong gawain
sa sansinukob na pag-aari Niya.
‘Di magtatagal,
maglalaho’ng mga kaharian sa lupa’t
magiging kaharian na ng Diyos,
‘pagkat ang Diyos ay nagkamit na ng tagumpay
at nagbalik na nang matagumpay.
II
Lahat ng tao’y namamangha
at naghihintay at nanonood.
Ngayon, sa pagdating ng liwanag ng Diyos,
lahat ikinagagalak araw ng pagsilang nila
ngunit kasabay nito ay isinusumpa rin ito.
Magkasalungat na damdamin, mahirap isatinig.
Dumadaloy ang mga luha ng pagsaway sa sarili.
Nawala nang walang bakas sa isang iglap,
sila’y tinatangay ng rumaragasang tubig.
Gumawa ang Diyos ng panibagong simula
sa tahanan ng malaking pulang dragon,
at nagsimula rin ng bagong gawain
sa sansinukob na pag-aari Niya.
‘Di magtatagal,
maglalaho’ng mga kaharian sa lupa’t
magiging kaharian na ng Diyos,
‘pagkat ang Diyos ay nagkamit na ng tagumpay
at nagbalik na nang matagumpay.
III
Muli, ang araw ng Diyos
ay malapit nang dumating,
muling pumupukaw sa sangkatauhan,
nagbibigay sa tao ng punto kung saan
makakapagsimula silang muli.
Tumitibok ang puso ng Diyos,
at sa ritmo ng Kanyang puso,
humahampas ang alon sa mabatong bahura,
lumulukso’ng mga bundok,
tubig ay sumasayaw sa tuwa.
Mahirap ihayag ang nararamdaman ng Diyos.
Lahat ng madumi’t masama’y nais ng Diyos na
maging abo sa Kanyang paningin,
ang mga anak ng paghihimagsik ay maglaho,
at ‘di na lumitaw pang muli.
Gumawa ang Diyos ng panibagong simula
sa tahanan ng malaking pulang dragon,
at nagsimula rin ng bagong gawain
sa sansinukob na pag-aari Niya.
Di magtatagal,
maglalaho’ng mga kaharian sa lupa’t
magiging kaharian na ng Diyos,
pagkat ang Diyos ay nagkamit na ng tagumpay
at nagbalik na nang matagumpay,
pagkat ang Diyos ay nagkamit na ng tagumpay
at nagbalik na nang matagumpay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 12