496 Magsagawa ng Higit Pang Katotohanan Upang Mas Umunlad sa Buhay
Ⅰ
Katotohanang dapat mapasa-tao’y nasa salita ng Diyos.
Katotohanang pinaka-kapaki-pakinabang
at tulong sa buong sangkatauhan.
Ito’y diwang pag-aalagang kailangan ng ‘yong katawan,
katotohanang dapat taglayin ng tao.
Nakatutulong ‘to upang bumalik normal n’yang pagkatao.
Mas ‘sinasagawa mo salita ng Diyos, mas sisibol iyong buhay.
Mas ‘sinasagawa mo salita ng Diyos,
lalong lumilinaw ang katotohanan.
Habang tumatayog ka makikita mong
mas malinaw espirituwal na mundo.
May higit kang lakas na magtagumpay kay Satanas.
Salita ng Diyos ay isagawa’t katotohana’y mauunawaan mo.
Karamihan sa mga tao’y nasisiyahan lang
na maunawaan teksto ng salita ng Diyos.
Tulad ng Fariseo, sila’y nakatuon sa doktrina,
‘di dinaranas lalim nito sa pagsasagawa.
Ⅱ
Paano maaaring ang katagang
“ang salita ng Diyos ay buhay” maging totoo sa kanila?
Tanging sa pagsasagawa ng salita ng Diyos
ma’aring tunay sumibol buhay ng tao.
‘Di ito lalago sa basta pagbabasa ng salita ng Diyos.
Mas ‘sinasagawa mo salita ng Diyos, mas sisibol ‘yong buhay.
Mas ‘sinasagawa mo salita ng Diyos,
lalong lumilinaw ang katotohanan.
Kung tingin mo’y pag-unawa sa salita ng Diyos
ibig sabihi’y buhay at tayog, unawa mo’y baluktot.
Nagaganap lang ang tunay na pag-unawa sa salita ng Diyos
‘pag ‘sinasagawa mo ang katotohanan.
Unawain mong tanging sa pagsasagawa ng katotohanan
mas mauunawaan pa ang katotohanan.
Sa pagsagawa lang ng katotohanan
maaaring maunawaan na ang katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa