458 Kapag Gumagawa ang Banal na Espiritu sa Tao
I
Gawain ng Banal na Espiritu’y positibong
nagbibigay-liwanag at gumagabay sa tao.
‘Di nito pinahihintulutan ang taong maging pasibo.
Dala nito sa kanila’y ginhawa,
bigay ay pananalig at kapasyahan,
nagbibigay-kakayahang maghangad
na maperpekto ng Diyos.
‘Pag Banal na Espiritu’y gumagawa,
tao’y aktibong makakapasok;
sila’y ‘di pasibo o pilit,
kundi maagap at positibo.
‘Pag Banal na Espiritu’y gumagawa,
tao’y nagagalak at handa;
sila’y handang sumunod,
masayang nagpapakumbaba.
II
Kahit marupok sa loob,
nagtutulungan sila, masayang nagdurusa.
Masunurin, walang bahid ng
pagnanasa’t pag-iisip ng tao.
‘Pag tao’y nararanasan
ang gawain ng Banal na Espiritu,
sila ay lalo nang banal sa loob.
Yaong may gawain ng Banal na Espiritu’y
‘sinasabuhay ang pag-ibig sa Diyos,
mahal ang kanilang mga kapatid,
gusto’t ayaw ang gusto’t ayaw ng Diyos.
‘Pag Banal na Espiritu’y gumagawa,
Siya’y gumagabay at nagbibigay-liwanag,
at nagbibigay sa tao ayon sa mga kailangan nila.
III
Base sa kung ano’ng wala sila’t
saan sila nagkulang,
Siya’y positibong gumagabay
at nagbibigay-liwanag.
Gawain Niya’y naaayon sa mga tuntunin
ng normal na buhay ng tao.
Sa tunay na buhay lang makikita ng tao
ang gawain ng Espiritu.
Mga taong naantig
ng gawain ng Banal na Espiritu’y
may normal na pagkatao,
laging hangad ang katotohanan.
Gawain Niya’y normal at tunay,
at naaayon sa normal na buhay ng tao.
Nililiwanagan at ginagabayan Niya’ng tao
ayon sa mga hangarin nila.
Kung tao’y nasa positibong kalagayang
may normal na espirituwal na buhay
sa pang-araw-araw na buhay nila,
taglay nila’ng gawain ng Banal na Espiritu.
‘Pag kinakain nila’ng salita ng Diyos,
may pananalig sila.
Sila’y inspiradong nananalangin,
‘di pasibo ‘pag may nangyayari.
Nagagawang makita’ng mga aral
na hingi ng Diyos,
sila’y ‘di mahina o pasibo.
Sa kabila ng paghihirap,
sinusunod nila’ng mga pagsasaayos ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas