966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

I

Kung ang tanong

ay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.

Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.

Ang Diyos ay ‘di mapapabayaan

o maiiwan sa likod ng ‘yong isip.

Parating isiping ang Diyos ng ‘yong paniniwala’y

buhay at totoong Diyos.

Wala Siya sa ikatlong langit na walang magawa.

Siya’y nariyan, laging nagmamasid.

Nakikita Niya’ng gawa ng lahat.

Kita Niya’ng puso ng lahat,

bawat salita at gawa,

ano ang asal at pagtrato nila sa Diyos.

Ibigay mo man o hindi ang sarili mo sa Diyos,

ang isip mo’t kilos ay alam Niya.

Ang Diyos ay matuwid sa lahat.

Ang paglupig at pagliligtas ng tao,

ito’y isang bagay na mahalaga sa Kanya.

Seryoso Siya sa lahat.

Kailanma’y ‘di Niya sila tinatrato

bilang alagang hayop na pinaglalaruan.


II

Ang pag-ibig ng Diyos

ay hindi ‘yong uring nagpapalayaw.

Makikita mo’ng awa Niya

ay hindi mapagpalayaw.

Minamahal at nirerespeto

Niya’ng lahat ng buhay.

Ang awa Niya’t pagpapaubaya

ay may inaasahan.

Ang mga ito’y kinakailangan

ng sangkatauhan upang mabuhay.

Ang Diyos ay buhay at umiiral.

Ang saloobin Niya sa tao ay may prinsipyo.

Ito’y naibabagay sa pagbabago ng tao.

Ang puso Niya’y nagbabago sa panahon,

pangyayari at saloobin ng bawa’t tao.

Ang Diyos ay matuwid sa lahat.

Ang paglupig at pagliligtas ng tao,

ito’y isang bagay na mahalaga sa Kanya.

Seryoso Siya sa lahat.

Kailanma’y ‘di Niya sila tinatrato

bilang alagang hayop na pinaglalaruan.


III

Malinaw dapat sa’yo

na ang diwa ng Diyos ay ‘di magbabago.

Ngunit ang disposiyon Niya’y lumalabas

sa iba’t-ibang panahon,

at sa iba’t-ibang mga konteksto.

‘Di sa halip, ang Diyos ay totoo at buhay.

Sa pamamagitan ng ‘yong pag-uugali

at saloobin sa Kanya.

Ang opinyon at saloobin Niya sa’yo’y nagbabago.

Ang Diyos ay matuwid sa lahat.

Ang paglupig at pagliligtas ng tao,

ito’y isang bagay na mahalaga sa Kanya.

Seryoso Siya sa lahat. Kailanma’y ‘di Niya sila,

tinatrato bilang alagang hayop na pinaglalaruan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain

Sinundan: 965 Alam Mo Ba Talaga ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos?

Sumunod: 967 Banal ang Diwa ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito