457 Ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Ginagawang Aktibong Sumusulong ang Tao
Ⅰ
Mga tao’y ginagamit ng Banal na Espiritu
gamit ang mabubuting katangian nila.
Ginagawa Niya ring perpekto’ng kapintasan nila’t
binabago’ng kanilang mga pagkukulang.
Kung ang iyong puso’y maibubuhos sa Diyos
at kayang pumayapa sa harap Niya,
ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong
kasangkapanin ng Banal na Espiritu.
Tatanggapin mo ang kaliwanagan;
at pagpapalinaw ay mapapasaiyo.
Ang Banal na Espiritu ang babawi
para sa iyong mga pagkukulang.
Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu,
kailanma’y hindi ginagawang negatibo ang tao,
ginagawa ang taong aktibong sumusulong.
‘Di namumuhay sa kanyang kahinaan.
Paglago ng buhay niya’y ‘di naaantala.
Sinisikap na matupad ang hangarin ng Diyos.
Patunay ‘tong nakamit na niya
ang presensya ng Banal na Espiritu.
Ⅱ
‘Pag ibinigay mo ang puso mo sa Diyos,
mas lalalim ang pag-intindi;
sa iyong mga pagkukulang at kapintasan,
maraming kabatiran ang ‘yong aanihin.
Magiging mas masigasig kang tuparin
ang hangarin ng Diyos.
Ika’y aktibong papasok.
Sa gayon ika’y isang tamang tao.
‘Pag ang puso’y panatag sa harap ng Diyos,
ang susi kung tunay mo Siyang napalulugdan
at natatanggap papuri ng Banal na Espiritu
ay kung aktibo kang makapapasok.
Pinapayagan ng gawain ng Diyos
na makapasok ang tao nang positibo,
at maalis mga negatibong aspeto
pagkatapos makamit ang kaalaman.
Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu,
kailanma’y hindi ginagawang negatibo ang tao,
ginagawa ang taong aktibong sumusulong.
‘Di namumuhay sa kanyang kahinaan.
Paglago ng buhay niya’y ‘di naaantala.
Sinisikap na matupad ang hangarin ng Diyos.
Patunay ‘tong nakamit na niya
ang presensya ng Banal na Espiritu,
ang presensya ng Banal na Espiritu,
ang presensya ng Banal na Espiritu.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos