459 Bigyang-Pansin Mo ang Gawain ng Banal na Espiritu

1 Anong uri ng tao ang nililiwanagan ng Banal na Espiritu? Yaong may mga matalas at listong pag-iisip. Kapag binibigyan sila ng isang pakiramdam o kaliwanagan, nararamdaman nila na gawain ito ng Banal na Espiritu, at ang Diyos ang gumagawa noon. Kung minsan, nalalaman nila agad na sinasaway sila ng Banal na Espiritu kung kaya’t pinipigilan na nila ang kanilang mga sarili. Ito ang mga taong nililiwanagan ng Banal na Espiritu. Kung pabaya ang isang tao at hindi nakauunawa ng mga espirituwal na bagay, hindi nila malalaman kapag binibigyan sila ng isang pakiramdam. Hindi nila pinapansin ang gawain ng Banal na Espiritu, kung kaya’t hindi na sila muling susubukang liwanagan ng Banal na Espiritu. Kapag patuloy silang hindi tumatanggap kahit pagkatapos ng tatlo o apat na pagtatangka, hindi na gagawa sa kanila ang Banal na Espiritu.

2 Sa iyong pananampalataya sa Diyos, dapat na mayroon kang listong pag-iisip, dapat mong seryosohin ang mga salita ng Diyos, at tumutok sa pagkilala sa iyong sarili. Dapat mong maunawaan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, at sa pagkilala at pagdanas; doon mo lamang matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay lubhang praktikal. May ibang taong may kakayahang maunawaan ang katotohanan ngunit wala silang personal na karanasan sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa pagpapatuloy, dapat kayong tumutok sa pinakabanayad na pakiramdam, at sa pinakabahagyang liwanag. Sa tuwing may mangyayari sa iyo, dapat mo iyong obserbahan at tingnan mula sa pananaw ng katotohanan, at sa paggawa nito, unti-unti kang makarating sa tamang landas.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, Pinakamahalaga ang Pagkakamit ng Katotohanan

Sinundan: 458 Kapag Gumagawa ang Banal na Espiritu sa Tao

Sumunod: 460 Sumunod sa Gawain ng Banal na Espiritu at Makatatahak Ka sa Landas Tungo sa Pagiging Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito