567 Ang Kaluwalhatian ng Diyos ay Nagtataglay ng Pinakamataas na Kahalagahan sa Tao
I
Sa likas na katangian ng normal na tao,
walang katusuhan o panlilinlang.
Sila’y may normal na relasyon,
at ‘di sila nag-iisa.
Buhay nila’y ‘di karaniwan, at ‘di rin bulok.
Ang Diyos ay dakila sa lahat,
mga salita Niya’y tagos sa kanila.
Mga tao’y payapang namumuhay sa isa’t isa,
sa pangangalaga’t proteksyon ng Diyos.
Ang lupa’y puspos ng pagkakasundo,
na walang paggambala ni Satanas.
Kaluwalhatian ng Diyos
ang pinakamahalagang bagay sa gan’tong tao.
Tulad ng mga anghel, sila’y dalisay at masigla,
walang reklamo sa Diyos.
Ginagawa’ng lahat para sa
kaluwalhatian ng Diyos sa lupa.
II
‘Pag umaakyat ang Diyos
sa trono sa puso ng tao,
mga tao’t anak Niya’ng mamumuno sa lupa.
Ito’ng tumutukoy sa panahon
na’ng mga anghel sa lupa’y
matatamasa ang pagpapala
sa paglilingkod sa Diyos.
Dahil ang tao’y ang pagpapahayag
ng espiritu ng mga anghel,
sabi ng Diyos na tao’y mamumuhay sa lupa
na parang sila’y nasa langit.
At sila’y maglilingkod sa Diyos sa lupa
tulad ng ginagawa ng mga anghel sa langit.
At sa gayon, sa mga araw nila sa lupa,
matatamasa nila’ng mga biyaya
ng ikatlong langit.
Ito talaga ang sinasabi sa mga salitang ito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 16