568 Dapat Mong Tanggapin ang Pagmamasid ng Diyos sa Lahat ng Ginagawa Mo

Ngayon, karamihan sa mga tao’y takot

na dalhin ang pagkilos nila sa harap ng Diyos.

At kahit malinlang mo ang Kanyang katawang-tao,

‘di mo malilinlang ang Kanyang Espiritu.

Ang ‘di makatagal sa pagmamasid ng Diyos ay

‘di nakaayon sa katotohanan, at kaya dapat itong itapon.

Kung hindi, kasalanan ito sa Diyos.

Ito ma’y kapag nagdarasal ka,

nagsasalita, nakikibahagi sa mga kapatid,

o ginagawa ang tungkulin, inaasikaso ang gawain,

dapat mong ilahad ang puso mo sa Diyos.

Kapag tinutupad mo ang iyong tungkulin,

kasama mo ang Diyos.

Kung tama ang hangarin mo para sa gawain ng Diyos,

tatanggapin Niya ang lahat ng ginagawa mo.

Kaya’t masigasig na gampanan ang iyong tungkulin.

Lahat ng ginagawa mo, bawat kilos, hangarin, reaksyon,

ang iyong espirituwal na buhay sa araw-araw,

iyong pagkain, pag-inom sa mga salita ng Diyos,

ay dapat dalhin lahat sa harap ng Diyos.

Ang paraan ng pagpapatuloy mo ng buhay-iglesia,

ang serbisyo mo sa pakikipagtambalan,

ay dapat dalhin lahat sa harap at mapagmasdan ng Diyos.

Tutulungan ka ng pagsasagawang ito na lumago sa buhay.


Ang pagtanggap sa pagmamasid

ng Diyos ay proseso ng pagdadalisay.

Tumanggap pa at ikaw ay dadalisayin pang lalo,

at mas aayon sa kalooban ng Diyos.

Kaya’t ‘di mo maririnig ang tawag ng kabuktutan,

pagkagumon sa kasamaan,

at puso mo’y mabubuhay sa Kanyang presensya,

puso mo’y mabubuhay sa Kanyang presensya.

Habang lalo mong tinatanggap

ang Kanyang pagmamasid,

lalong nahihiya si Satanas,

at lalo mong matatalikuran ang laman.

Kaya’t tanggapin ang pagmamasid ng Diyos.

Lahat ng ginagawa mo, bawat kilos, hangarin, reaksyon,

ang iyong espirituwal na buhay sa araw-araw,

iyong pagkain, pag-inom sa mga salita ng Diyos,

ay dapat dalhin lahat sa harap ng Diyos.

Ang paraan ng pagpapatuloy mo ng buhay-iglesia,

ang serbisyo mo sa pakikipagtambalan,

ay dapat dalhin lahat sa harap at mapagmasdan ng Diyos.

Tutulungan ka ng pagsasagawang ito na lumago sa buhay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso

Sinundan: 567 Ang Kaluwalhatian ng Diyos ay Nagtataglay ng Pinakamataas na Kahalagahan sa Tao

Sumunod: 569 Ano ang Magiging Tadhana ng Isang Tao sa Huli?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito