836 Ang Tinataglay ng Yaong mga Naperpekto Na
I
Ang mga taong nagawang perpekto’y
‘di lang normal na pagkatao ang taglay;
kundi katotohanang mas higit sa konsensya,
ito’y lampas sa pamantayan ng konsensya.
‘Di lang ginagamit ang konsensya nila
upang masuklian nila’ng pag-ibig ng Diyos;
sila’y nakilala at nakita
na ang Diyos na kaibig-ibig,
at karapat-dapat ibigin ng tao.
Ang mga tao’ng nagawang perpekto,
alam nilang napakaraming kaibig-ibig sa Diyos,
at dahil dito, ‘di nila maiwasang mahalin Siya.
Yaong mga nagawang perpekto’y
mahal ang Diyos dahil nananabik sila.
Ito’y pag-ibig na kusang-loob;
‘di umaasa ng anumang kapalit.
Pag-ibig nila’y ‘di isang kasunduan,
ni transaksyon na gagawin.
Pag-ibig nila sa Diyos ay galing
sa kaalamang nakamit na sa Kanya.
II
Mga taong ‘to’y walang pake sa biyaya ng Diyos,
hangad lang nila’y masiyahan ang Diyos.
Sila’y ‘di nakikipagtawaran sa Diyos,
o nagsusukat ng pag-ibig sa Kanya sa konsensya:
"Nagbigay Ka na sa akin, kaya iniibig din Kita;
kung ‘di Ka nagbibigay sa akin,
wala akong maibibigay na kapalit."
Ang mga tao’ng nagawang perpekto,
alam nilang napakaraming kaibig-ibig sa Diyos,
at dahil dito, ‘di nila maiwasang mahalin Siya.
Yaong mga nagawang perpekto’y
mahal ang Diyos dahil nananabik sila.
Ito’y pag-ibig na kusang-loob;
‘di umaasa ng anumang kapalit.
Pag-ibig nila’y ‘di isang kasunduan,
ni transaksyon na gagawin.
Pag-ibig nila sa Diyos ay galing
sa kaalamang nakamit na sa Kanya.
III
‘Pag tao’y nagawang perpekto sila’y naniniwala:
"Diyos ang Lumikha,
‘sinasagawang gawain Niya sa’tin.
Yamang may gan’tong pagkakataon, kalagayan,
katangian akong gawing perpekto,
hanap ko’y dapat ang
mabuhay nang makabuluha’t Siya’y mapasaya."
Yaong mga nagawang perpekto’y
mahal ang Diyos dahil nananabik sila.
Ito’y pag-ibig na kusang-loob;
‘di umaasa ng anumang kapalit.
Pag-ibig nila’y ‘di isang kasunduan,
ni transaksyon na gagawin.
Pag-ibig nila sa Diyos ay galing
sa kaalamang nakamit na sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol