837 Paano Magawang Perpekto
Ⅰ
Kung nais mong magawang perpekto ng Diyos,
‘di sapat maging abala para sa Kanya,
ni gumugugol sa sarili mo para sa Diyos.
Kailanga’y marami kang taglay
para magawang perpekto.
‘Pag nagdurusa ka, ‘di mo dapat
isaalang-alang ang laman,
ni magreklamo laban sa Kanya.
‘Pag nagtatago ang Diyos,
dapat ay may pananampalataya kang,
sumunod, magmahal,
‘wag ‘tong hayaang maglaho o mamatay.
Kung nais mong magamit at
magawang perpekto ng Diyos,
dapat ay taglay mo ang lahat:
handa kang magdusa, manampalataya, magtiis,
sumunod at magdanas ng gawain ng Diyos,
maarok ang kanyang kalooban,
isaalang-alang ang Kanyang pighati.
Sa bawat pagpipino na nararanasan mo,
kailangan ang pananampalataya’t pagmamahal mo.
Ⅱ
Anuman ang gawin Niya,
Kanyang plano’y dapat tanggapin.
Sumpain man ang ‘yong laman,
huwag Kang mag hinaing.
Paluguran ang Diyos ‘pag may pagsubok,
kahit umiyak o minamahal mo’y mawala.
Ito ang tunay na pagmamahal at pananampalataya.
Anuman ang katayuan, dapat ay may tunay na pananalig
handa kang magdusa, at talikuran ang laman.
Dapat ay handa kang magtiis ng pasakit at kawalan
para matupad ang kalooban ng Diyos.
Dapat ay may puso ka para magsisi
na ‘di mo napalugod ang Diyos dati.
Dapat taglay mo’ng lahat para magawang perpekto.
Kung wala ka nito, ‘di ka magagawang perperkto!
Kung nais mong magamit at
magawang perpekto ng Diyos,
dapat ay taglay mo ang lahat:
handa kang magdusa, manampalataya’t magtiis,
sumunod, at magdanas ng gawain ng Diyos,
maarok ang Kanyang kalooban,
isaalang-alang ang Kanyang pighati.
Sa bawat pagpipino na nararanasan mo,
kailangan ang pananampalataya’t pagmamahal mo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino