835 Yaon Lamang mga Tunay na Nagmamahal sa Kanya ang Pineperpekto ng Diyos
I
Kung nais n’yong maperpekto ng Diyos,
matutunang danasin ang lahat,
mabuti man o masama.
Maliwanagan ka sa kinakaharap mo.
Makikinabang ka rito.
Kung nais n’yong maperpekto ng Diyos,
‘wag kang manahimik na lamang diyan.
Pumanig ka sa Diyos, ‘yan ang dapat mong isipin.
‘Wag mo ‘tong aralin sa pananaw ng tao.
Kung nais n’yong maperpekto ng Diyos,
subukan ang ganitong paraan,
puso niyo’y mabibigatan habang buhay,
lagi kang nabubuhay sa liwanag Niya,
‘di madaling lilihis sa iyong pagsagawa.
At bubukas ang hinaharap sayo.
Napakaraming pagkakataon
na maperpekto ng Diyos,
kung Siya ay mahal n’yo.
Napakaraming posibilidad
na maperpekto ng Diyos,
kung determinado kayong
matamo Niya at maperpekto,
upang matanggap ang biyaya Niya at pamana.
II
Kung nais n’yong maperpekto ng Diyos,
walang saysay ang pagpapasya lamang;
hindi sapat ‘yan.
Para ‘di magkamali sa pagsagawa mo,
kaalaman ang kailangan.
Karamihan ay kuntento na
sa pagtamasa ng biyaya Niya.
Ang gusto nilang matanggap
ay makamundong ginhawa mula sa Kanya,
‘di ang mataas na paghayag.
Sa labas nakatuon ang puso nila.
‘Di nila iniisip maging perpekto.
Buhay nila’y bulok at bulgar.
Nakakaraos sa kakaunti,
nagpapatangay sa agos,
walang anumang pagbabago.
Sa kinakaharap nila’y iilan ang sumusubok
pumasok sa salita ng Diyos,
makamit ang sagana,
maging mas mayaman sa Kanyang bahay
at matanggap pa ang biyaya Niya.
Kung hangad mong maperpekto’t
maliwanagan ng Diyos sa lahat,
karapat-dapat at nararapat kang
maperpekto ng Diyos.
Napakaraming pagkakataon
na maperpekto ng Diyos,
kung Siya ay mahal n’yo.
Napakaraming posibilidad
na maperpekto ng Diyos,
kung determinado kayong
matamo Niya at maperpekto,
upang matanggap ang biyaya Niya at pamana.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto