Tanong 1: Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?

Sagot: Maraming taong naniniwala na pagbalik ng Panginoon, iaangat Niya ang mga nananalig sa hangin para makasalubong sila. Ang sinasabi n’yo ay batay sa salita ni Pablo, hindi sa Panginoon. Wala tayong paraan para masabi kung ang salita ni Pablo ay nagmula sa ideya ng tao o pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ito ang sinasabi ng Panginoong Jesus sa pagpopropesiya tungkol sa Kanyang pagbalik: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinabi ito ng Panginoon nang napakalinaw. Pagbalik Niya, walang makakaalam. Maliban sa Diyos, kahit ang mga anghel ay hindi ito malalaman. Ayon sa ideya n’yo, yaong mga nananalig sa Panginoon ay iaangat sa hangin para salubungin Siya sa ulap. May batayan ba para dito sa mga salita ng Diyos? Kung paniniwalaan n’yo ang salita ni Pablo sa halip na ang salita ng Panginoon, maling-mali kayo! Si Pablo ay tao lamang; hindi niya kinakatawan ang Panginoong Jesus. Paano niya malalaman na iaangat ng Panginoon ang mga nananalig sa Kanya sa mga ulap pagbalik Niya? Ano ang batayan ng salita ni Pablo? Kailangan pa ba nating hintayin ang pagbalik ng Panginoon ayon sa mga salita ni Pablo? Bakit hindi natin tanggapin ang Panginoon ayon sa salita ng Panginoong Jesus? Ito ang sinabi ng Panginoong Jesus sa pagpopropesiya tungkol sa Kanyang pagbalik: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo(Pahayag 3:3). Ano ang ibig sabihin kapag naniniwala lamang ang isang tao sa salita ni Pablo pero hindi sa salita ng Panginoong Jesus sa pananalig sa Panginoon? Ibig sabihin ba nito ay si Pablo ang Panginoon at Cristo? Kanino pala kayo naniniwala, kay Pablo o sa Panginoong Jesus? Nararapat ba natin itong pagnilayan? Ang ikalawang pagparito ng Panginoon ay para tanggapin ang mga banal sa kaharian ng langit. Tiyak ’yan. Pero walang sinumang makakahula kung paano talaga tatanggapin ng Panginoon ang Kanyang mga alagad sa kaharian ng langit. Kung naniwala tayo sa mga konsepto at imahinasyon ng tao para maunawaan ito, sa pag-aakala na dadalhin ng Panginoon ang mga tao sa hangin para makasalubong sila, hindi makatotohanan iyon. Nakita na nating lahat na nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos sa China sa mga huling araw at nagpapahayag ng lahat ng klase ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas ng tao; Nasa proseso Siya ng paglilinis at ginagawa Niyang perpekto ang lahat ng matatalinong birhen na inihaharap sa Kanyang luklukan. Determinado ang Diyos na gawin ang grupong ito ng mga tao na mga mananagumpay bago sumapit ang malaking sakuna. Matapos gawin ang isang grupo ng mga mananagumpay, pawawalan ng Diyos ang malaking sakuna para puksain ang masamang sangkatauhang ito na nagpapakabaliw na kalabanin ang Diyos. Pagkaraan ng malaking sakuna, magpapakita ang Diyos sa lahat ng tao at lahat ng bansa. Hindi ba ito ang tunay na proseso kung paano dadalhin ng Panginoon ang Kanyang mga alagad sa kaharian ni Cristo pagbalik Niya? Nadarama ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay lubos nang tinupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Dahil narito na sa lupa ang Panginoon, at gusto pa rin nating umakyat sa alapaap, hindi ba mali ang ating direksyon? Dahil narito na ang Panginoon sa lupa, ipinasiya na rin ng Diyos na isilang tayo sa mga huling araw, para iharap sa Kanyang luklukan, tanggapin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, malinis Niya at gawin Niyang perpekto at sa huli ay ipasok sila sa kaharian ni Cristo. Anong klaseng lugar ang naihanda ng Panginoon para sa atin? Tumutukoy ito sa kaharian ni Cristo na nagkakatotoo sa lupa, na tumutupad sa propesiyang “upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon.” Pinatutunayan niyan na pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, pupunta Siya sa Kanyang kaharian. Ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagsisimula sa tahanan ng Diyos ay para gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay mula sa matatalinong birhen na siyang unang tatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at saka Siya lantarang magpapakita sa pamamagitan ng pagbaba sa ulap. Sa gayo’y magkakatotoo ang kaharian ni Cristo sa lupa. Ang katotohanan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay lubos na tinutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sa pagdanas lang ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw natin makikita ang katuparan ng mga propesiya sa Biblia. Ang pag-asa sa mga paniwala at imahinasyon ng tao sa pagbabakasakali sa mga propesiya ay kahangalan at walang katotohanan! Dapat nating paniwalaan ang salita ng Diyos, hindi ng tao, para makasalubong tayo sa pagbalik ng Panginoon. Kung naniniwala tayo sa salita ng tao, lalagpas ang pagkakataong madala tayo sa langit pagdating ng Panginoon, kaya hindi natin Siya masasalubong. Sarili lamang natin ang ating masisisi.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Pangarap Kong Kanharian ng Langit

Sinundan: Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos—ang Anak ng tao—muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!

Sumunod: Tanong 2: Na sinabing minsan ng Panginoong Jesus na: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Ang Panginoong Jesus ay nabuhay na mag-uli at nagbalik sa langit para maghanda ng lugar para sa atin, kaya ibig sabihin ay sa langit Siya naghanda ng lugar. Kung nagbalik na ang Panginoon, dapat ay para dalhin tayo sa langit, para dalhin muna tayo sa kalangitan upang salubungin ang Panginoon. Ang pinatototohanan n’yo ngayon ay na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na naging tao Siya at nagsasalita at gumagawa sa lupa. Kaya pa’no Niya tayo dadalhin sa kaharian ng langit? Nasa lupa ba ang kaharian ng langit, o nasa langit?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito