Tanong 2: Nalaman ng mga elder at pastor na ikaw ay sumasaksi sa Makapangyarihang Diyos sa amin. Umiikot silang nagkakalat ng mga heresiya at kasinungalingan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos. Sinara nila ang iglesia at nagsimulang manggipit at magpigil sa ating mga kapatiran na sumusubok makinig sa iyong mga sermon. Nakikita nila kami bilang mga tinik sa kanilang mga mata, at pinaka-kinapopootan ng lahat. Sinasabi rin nila na ang lahat ng mga tatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay ititiwalag sa iglesia. Malinaw na naghiwalay sa dalawang pangkat ang iglesia. Ang ilan sa mga kapatiran ay gustong kasama kami na pag-aralan ang tunay na daan. Ang iba ay sumusunod sa mga pastor at elder sa paglaban at pagbatikos sa Kidlat ng Silanganan. Itinuturing din nila kami bilang mga kaaway nila. Bakit ang laki ng pinagbago ng iglesia sa loob lang ng ilang mga araw?
Sagot: Nakakaranas tayo ngayon ng espirituwal na digmaan! Bakit ko sinabi ’yon? Sa totoo lang, sa bawat pagkakataon na ang Diyos ay nagkatawang-tao upang magpakita at gawin ang Kanyang gawain, ang masasamang puwersa ni Satanas ay panatikong kakalaban at babatikusin Siya. Natural na hahantong ito sa espirituwal na digmaan. Inilalantad nito at hinahati ang mga relihiyosong komunidad. Tulad din ito noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagpagulo sa buong pananalig ng Judio. Maraming tao ang nagsimulang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa Kanyang sinabi at ginawa, ngunit paano naman ang mga pinuno ng Judio? Nang makita nila ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, natakot sila, dahil alam na alam nila na kapag hinayaan nila ang Panginoong Jesus na mangaral at gawin nang ganoon ang Kanyang mga gawain, susundin ng lahat ng mga naniniwala ang Panginoong Jesus, at hindi magtatagal, guguho ang pananalig ng mga Judio. Samakatuwid, para depensahan ang Judaismo at masiguro ang kanilang mga posisyon at ikinabubuhay, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga naniniwala sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Sa ganitong mga sitwasyon, ang mga taong naniniwala sa Diyos ay nagkahiwa-hiwalay sa iba’t-ibang mga pangkat. Ang ilan sa kanila ay kinapootan ang katotohanan at kinalaban at binatikos ang gawain ng Diyos; naging kaaway sila ng Diyos. Ang ilan sa kanila ay walang pang-unawa at basta na lang nagmasid. May ilang tao rin na nakarinig ng tinig ng Diyos at nagawang pag-aralan at tanggapin ang Kanyang gawain. Ang mga taong ito ang siyang tunay na sumusunod sa gawain ng Diyos. Kapag nakatagpo ang relihiyosong komunidad ng pagpapamalas at gawain ng Diyos, isang hindi maiiwasang espirituwal na digmaan ang susunod. Natural na mangyayari ang pagkakahati-hati. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus noon ay dumurog sa nananaig na ayos ng Judaismo. Inilantad at hinati nila ang Judaismo. Ito ay isang bagay na dapat madaling makita ng lahat.
Ngayon alam na ng lahat na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao! Ipinahayag lahat ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan na makakapaglinis at makakapagligtas sa sangkatauhan. Ginawa Niya ang Kanyang gawain ng paghatol mula sa Kanyang tahanan, na nagpayanig sa buong relihiyosong mundo. Maraming mabubuting tupa at pinunong tupa mula sa lahat ng iba’t-ibang denominasyon ay nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at may kapangyarihan at awtoridad. Nakilala nilang lahat ang tinig ng Diyos at bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Ang mga pastor at elder ngayon sa relihiyosong komunidad ay nagwawala. Natatakot sila na kapag nakita ng mga naniniwala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, babalik silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Makapagbubukod sa kanila ito. Samakatuwid, para ingatan ang kanilang sariling mga posisyon, ikinabubuhay, at walang hanggang kontrol sa relihiyosong mundo, nagsanib sila para masigasig na kalabanin at batikusin ang Makapangyarihang Diyos; pinipigilan nila ang mga naniniwala sa paghahanap at pag-aaral ng tunay na daan. Hahantong ito sa panibagong espirituwal na digmaan. Lubos na tinutupad nito ang mga propesiya sa Biblia: “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak” (Mateo 10:34). “Ako’y laban sa mga pastor; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila” (Ezekiel 34:10). Sa panahon nitong espirituwal na digmaan, ang bawat isa sa ating mga naniniwala ay haharap sa desisyon. Iyong mga uhaw sa katotohanan at sa pagpapamalas ng Diyos, ay narinig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang paghahanap at pag-aaral ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nakumbinsi na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapamalas ng Diyos. Nakawala sila lahat mula sa pagkakahigpit at kontrol ng mga puwersa ng anticristo sa relihiyosong komunidad. Dinala sila sa harapan ng luklukan ng Diyos para makatanggap ng paglilinis at kaligtasan at maging perpekto. Ito ang mga taong mananagumpay na gagawin ng Diyos sa mga huling araw. Iyong mga sumusunod sa mga relihiyosong pinuno sa pagtatakwil, pagkalaban at pambabatikos sa Makapangyarihang Diyos, ay ang mga damo at aso na bubunutin ng Diyos sa mga huling araw; sila ang mga hindi naniniwala at mga anticristo. Tinalikdan na sila ng Diyos at nahulog na sa kadiliman. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nagdala ng matinding kagutuman sa relihiyosong mundo sa mga huling araw; ang lahat ng bagay ay nailantad. Ang mga trigo at damo, tupa at kambing, matalino at mangmang, at mabuti at masamang lingkod ay ihiniwalay at inuri sa panahon ng espirituwal na digmaan. Mula dito, makikita natin ang karunungan ng gawain ng Diyos at kamanghaan ng Kanyang mga gawa.
Naiintindihan na natin lahat ngayon na simula nang isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, patuloy Siyang nakatagpo ng panatikong panlalaban at brutal na pag-uusig mula sa malasatanas na rehimeng CCP at sa mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad. Walang masyadong tao sa gitna nitong tiwaling sangkatauhan na talagang nagmamahal sa katotohanan. Wala ring masyadong tao sa buong relihiyosong mundo na talagang nananabik sa pagpapakita ng Diyos. Lubos na tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Gayun pa man, kahit gaano pa sila usigin o batikusin ng mga puwersa ng malademonyong CCP at ng masamang anticristo sa relihiyosong komunidad, kung ano ang galing sa Diyos ay magtatagumpay kalaunan. Wala itong kaduda-duda! Tignan n’yo, sa loob lang ng 20 taon, ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kumalat sa buong Tsina. Matagal na panahon na nang naging karaniwang kaalaman ito dito sa bansang ito. Ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—ay matagal na panahon nang inilagay sa internet. Parami ng parami ang mga tao sa bawat bansa at sa bawat lugar na gutom sa pagpapakita ng Diyos at nagmamahal sa katotohanan ang naghahanap online para pag-aralan ang mga gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay parang kidlat na kumikislap mula sa Silangan Pakanluran. Ito ang katuparan ng mga salita ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Ipinapakita nito sa atin na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang gawain ng pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus! Ang mga resulta ng pagpapakita ng Diyos at gawain ay umiigi lamang, parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa Kanya, ikinakalat ang Kanyang salita, at sumasaksi sa Kanya. Patutunayan ang lahat ng ito ng panahon at katotohanan. Tulad lang ito ng gawain ng Panginoong Jesus. Sa simula, walang kumikilala na ito ay gawain ng Diyos, ngunit nang maglaon, kumalat ang ebanghelyo, nagsimulang dumami pa ang mga taong tumanggap nito. Sa mga huling araw, kumalat ito hanggang sa kadulu-duluhan ng mundo. Pareho ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ngayong kumalat na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, parami ng parami ang mga taong tumatanggap nito at kinikilala na ang mga ito ay mga salita ng Diyos. Sapat na patunay ito na makapangyarihan ang mga salita ng Diyos at matutupad ang bawat pangungusap! Kayang tuparin ng mga salita ng Diyos ang lahat ng bagay!
Basahin natin ang isang talata mula sa Makapangyarihang Diyos: “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Sinasanhi Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang gawin Akong sambahin ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob).
Ang sinumang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay umaamin na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, ang tinig ng Diyos. Sapat na ito para patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Simula nang naniwala tayo sa Panginoon at sumunod sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero. Kahit gaano pa katagal naniwala ang mga tao sa Panginoon, kung hindi nila tatanggapin o kikilalanin Siya kapag Siya’y bumalik, tatalikdan sila ng Panginoon. Talagang ibubunyag ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ang mga tao. Tanging iyong mga nakikinig sa tinig ng Kasintahang Lalake at nakakatanggap nito ay ang mga matatalinong birhen. Tanging iyong mga dadalo sa piging ng kasalan ng Kordero ang may pagkakataon na makamit ang pagtanggap ng Diyos, malilinis, at papasok sa kaharian ni Cristo. Kung maniniwala lang ang mga tao sa pangalan ng Panginoong Jesus, hindi tanggapin ang Kanyang pagbabalik, at hindi tinatanggap ang katotohanang ipinapahayag ng Cristo ng mga huling araw, paano sila kikilalanin ng Panginoong Jesus? Tiyak na kokondenahin sila ng Panginoong Jesus at sasabihin, “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23). Katulad sila ng mga Fariseo noon; naniwala lang sila sa pangalan ng Diyos na Jehovah, at hindi tinanggap ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, sa halip ay piniling panatikong kalabanin at batikusin ang Panginoong Jesus. Nakamit ba ng kanilang paniniwala sa Diyos ang Kanyang pagtanggap? Hindi lang sa hindi sila tinanggap ng Diyos, ngunit sila’y isinumpa at pinarusahan Niya. Samakatuwid, iyong mga taong naniniwala sa Panginoon ngunit pangalan lang Niya ang pinapanatili, silang mga naniniwala sa hindi tiyak na Diyos na nasa langit ngunit hindi sinusunod ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at hindi tinatanggap ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, sila’y katulad na katulad ng mga Fariseo. Pareho silang naniniwala lang sa pangalan ng Diyos. Sa totoo, kinakalaban at pinagkakanulo nila ang Diyos. Kailangan silang talikdan lahat ng Diyos. Ibubunyag ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ang lahat ng tao. Ito ay isang bagay na dapat malinaw na maintindihan ng lahat ng naniniwala sa Panginoon!
mula sa iskrip ng pelikulang Pananalig sa Diyos