978 Ang Babala ng Diyos sa Tao
Ⅰ
Maraming inaasam ang Diyos.
Nais N’yang kumilos kayo
sa angkop at maayos na paraan,
maging tapat sa inyong tungkulin,
magpakatotoo’t magpakatao,
kayaning talikuran ang lahat,
isuko ang buhay para sa Diyos, at iba pa.
Lahat ito’y inaasam mula sa inyong
mga kakulangan, katiwalia’t pagsuway.
Dapat n’yo munang suriin ang iyong mga pagsuway.
Dito ka dapat magsimula.
Siyasating lahat ang mga iniisip mo’t asal
sa iyong buhay na hindi ayon sa katotohanan.
Simple lang ang hiling ng Diyos,
ngunit hindi lang iyan ang hiling Niya sa iyo.
Huwag tawanan o maliitin ang hinihingi ng Diyos.
Seryosohi’t h’wag limutin ang gawaing ito.
Opisyal na sinasabi sa iyo ng Diyos,
wala Siyang pakialam gaano ka man kasipag o kagaling,
gaano ka man karapat-dapat o kabantog,
gaano mo man Siya kahigpit sundin,
gaano ka man umunlad sa pag-uugali mo,
kung hindi mo ginagawa ang hinihingi ng Diyos,
hindi mo kailanman makakamit ang Kanyang papuri.
Ⅱ
Sunod, sa bawa’t paglabag at rebelyon,
maghanap ng katotohanang akma sa bawat isa,
palitan mga rebelde mong kaisipa’t ugali
at iyong paglabag sa pagsasagawa ng katotohanan.
Ikatlo, dapat kang mamuhay nang tapat,
hindi magulang o tuso.
Kung magagawa mo ang tatlong bagay na ito,
mapalad ka, ikaw ang taong mga pangarap ay natutupad.
Opisyal na sinasabi sa iyo ng Diyos,
wala Siyang pakialam gaano ka man kasipag o kagaling,
gaano ka man karapat-dapat o kabantog,
gaano mo man Siya kahigpit sundin,
gaano ka man umunlad sa pag-uugali mo,
kung hindi mo ginagawa ang hinihingi ng Diyos,
hindi mo kailanman makakamit ang Kanyang papuri.
Ⅲ
Gayunman, ang layon ng Diyos sa iyo ay tuparin
ang pangarap mo’t isagawa ang iyong simulain.
Hindi Niya gustong gawin kang hangal.
Burahing lahat ang ideyang mayro’n ka,
mga bagay na naiplano mo at nakalkula.
Seryosohin na ang mga hinihingi ng Diyos.
Kung hindi ay wawakasan N’yang lahat ang gawa N’ya
sa paggawang abo sa lahat ng tao.
Dahil ang mga kaaway at taong ubod
nang samâ sa huwaran ni Satanas
ay hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos.
Opisyal na sinasabi sa iyo ng Diyos,
wala Siyang pakialam gaano ka man kasipag o kagaling,
gaano ka man karapat-dapat o kabantog,
gaano mo man Siya kahigpit sundin,
gaano ka man umunlad sa pag-uugali mo,
kung hindi mo ginagawa ang hinihingi ng Diyos,
hindi mo kailanman makakamit ang Kanyang papuri,
oh, Kanyang papuri, Kanyang papuri.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno