429 Ang Paraan para Patahimikin ang Puso Mo sa Harap ng Diyos
Ⅰ
Para puso mo’y matahimik sa harap ng Diyos:
Ilayo ang ‘yong puso sa ibang bagay,
tumahimik sa Kanyang harapan,
at magdasal sa Kanya nang buong puso.
Basahin Kanyang salita na may
pusong tahimik sa Kanyang harapan.
Kanyang pag-ibig at gawain,
taimtim na pagnilayan.
Magsimula sa panalangin.
Ituon ang isipan, magdasal sa itinakdang oras.
Kahit abala, wala nang oras,
anuman ang nangyayari sa ‘yo,
magdasal araw-araw nang normal,
basahin Kanyang salita.
Ilapit Siya sa puso mo, pagnilayan pag-ibig Niya.
Pagnilayan ang Kanyang mga salita, ‘wag pagambala sa iba.
Pagpapatahimik sa puso mo sa harap Niya,
isa sa pinakamahahalagang hakbang
sa pagpasok sa mga salita ng Diyos.
Kailangang-kailangan ng lahat ang aral na ‘to,
kailangang-kailangan ng lahat ang aral na ‘to.
Ⅱ
‘Pag puso mo’y payapa na kaya mong magmuni-muni
at pagnilayan ang pagmamahal ng Diyos palagi,
na tunay kang mapalapit sa Kanya
at puso mo’y puno ng papuri,
na higit pa sa panalangin, may katayugan ka.
Matapos lang silang tunay na
mapayapa sa harap ng Diyos,
saka lang sila inaantig ng Espiritu.
Sila’y maliliwanagan at magagabayan at paliliwanagin Niya.
Makikipagniig sa Kanya’t mauunawaan Kanyang kalooban.
Kung maaabot ‘to ng mga tao, makakapasok na sila
sa tamang landas sa kanilang espirituwal na buhay.
Pagpapatahimik sa puso mo sa harap Niya,
isa sa pinakamahahalagang hakbang
sa pagpasok sa mga salita ng Diyos.
Kailangang-kailangan ng lahat ang aral na ‘to,
kailangang-kailangan ng lahat ang aral na ‘to.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos