428 Paano Maging Panatag Sa Harap ng Diyos
Lumayo muna sa mga tao’t bagay
para sa inyong espirituwal na debosyon,
kung saan makakamit ng puso ang kapayapaan
at maging panatag sa harap ng Diyos.
Gumawa ng tala ng iyong
pagkakaintindi sa salita ng Diyos,
kung paano ka Niya naantig,
di alintana kung malalim o mababaw,
subukang maging panatag sa Kanyang harapan.
Ⅰ
Magbigay ng ilang oras araw-araw para
sa tunay na buhay espirituwal;
madaramang buhay mo’y pinagyaman
at puso mo’y magiging maaliwalas at maningning.
Lalo mong ibibigay ang puso mo sa Diyos,
espiritu mo’y lalakas, bubuti ang ‘yong kundisyon.
Lalakaran mo ang landas ng Banal na Espiritu,
kaloob ng Diyos ang maraming pagpapala.
Di man makamit ang pinakamabuting kinalabasan
sa landas mo sa simula,
ngunit huwag kang maging mahina o umurong.
Magsikap ka lang nang husto.
Upang maging panatag
ang ‘yong puso sa harap ng Diyos,
sadyaing makipagtulungan, makipagtulungan!
Ⅱ
Habang isinasabuhay mo ang buhay mong espirituwal,
puso’y mas napupuno ng salita ng Diyos,
laging nababahala sa mga usaping ito
at laging tinitiis ang pasaning ito.
Kausapin mo ang Diyos mula sa ‘yong puso
sa pamamagitan ng buhay espirituwal.
Sabihin sa Kanya’ng ‘yong iniisip at gusto mong gawin,
iyong pagkaunawa’t pananaw sa Kanyang salita.
Huwag ipagkait sa Kanya ang anumang bagay,
sabihin sa Kanya ang nilalaman ng ‘yong puso,
aminin ang tunay mong nararamdaman,
malaya mong sabihin ang laman ng ‘yong puso.
Ⅲ
Lalong gawin ‘to’t madarama’ng
pagiging kaibig-ibig Niya,
puso’y mas magiging malapit sa Diyos.
Mararamdaman mo na ang Diyos
ang pinakamamahal mo,
hindi mo Siya iiwan, anuman ang mangyari.
Gan’to ang isagawa mo araw-araw,
huwag mong alisin sa’yong isipan,
ituring ‘to bilang iyong misyon sa buhay,
at mapupuno ang ‘yong puso ng salita ng Diyos.
Para bang puso’y kay tagal nang may pag-ibig.
Walang sinuman ang makakaagaw nito sa’yo.
Ang Diyos ay tunay na tatahan sa’yo
at magkakaroon ng lugar sa loob ng iyong puso.
Upang maging panatag ang ‘yong
puso sa harap ng Diyos,
sadyaing makipagtulungan!
Upang maging panatag ang ‘yong
puso sa harap ng Diyos,
sadyaing makipagtulungan, makipagtulungan!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Normal na Espirituwal na Buhay ay Inaakay ang mga Tao Patungo sa Tamang Landas