430 Pagtahimik sa Harap ng Diyos
Ⅰ
Pag kausap ang iba o naglalakad,
sinasabi mo, “Malapit ang puso ko sa Diyos.
Di ako nakatuon sa mga panlabas na bagay.”
Kaya tahimik ka sa harap ng Diyos.
Huwag makipag-ugnayan sa mga bagay
na humihikayat sa’yong puso sa labas.
Huwag makipag-ugnayan sa mga tao
na nagpapalayo sa’yong puso sa Diyos.
Kung ‘di Diyos ang hahabulin mo,
walang pagkakataong magawang perpekto.
Silang nakakarinig ngayon ng salita N’ya
pero di matahimik sa presensya N’ya,
sila’y ‘di nagmamahal sa katotohanan,
sila’y ‘di nagmamahal sa Diyos.
Kung ‘di mo iniaalay ang sarili mo ngayon,
kailan mo iaaalay ang lahat-lahat mo?
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti ‘yan para sa’yo.
Gawa ng Banal na Espiritu’y dakila,
Diyos Mismo’ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung ‘di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
Ⅱ
Ang payapain ang puso sa harap ng Diyos
ay tunay na pag-aalay.
Silang tunay na nag-aalay ng puso nila
magagawang ganap ng Diyos.
Di natitinag, napakitunguhan man o napungos,
naharap sa siphayo o kabiguan,
ang puso mo’y dapat pa ring manatiling,
laging tahimik sa harap ng Diyos.
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti ‘yan para sa’yo.
Gawa ng Banal na Espiritu’y dakila,
Diyos Mismo’ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung ‘di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
Ⅲ
Paanuman ang pagtrato ng tao sa’yo,
patahimikin puso mo sa harap ng Diyos.
Sa lahat ng kapaligirang hinaharap mo,
pag-uusig o pagdurusa,
anumang pagsubok ang hinaharap mo,
patahimikin puso mo sa harap ng Diyos.
Para magawang perpekto, ito ang paraan.
Para magawang perpekto, ito ang paraan.
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti ‘yan para sa’yo.
Gawa ng Banal na Espiritu’y dakila,
Diyos Mismo’ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung ‘di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos